
Matapos pumutok ang isyu tungkol sa diumano'y indecent proposal ng hunk actor na si Alex Diaz sa isang fitness coach, mas pinili ng una na huwag nang palakihiin pa ang isyu at mag-move on.
Ayon sa mga lumabas na balita, ibinahagi ng naturang fitness coach ang diumano'y private messages ni Alex Diaz na naglalaman ng “indecent proposal.”
Nabura na ang naturang post ng fitness coach, na pinuna ng netizens dahil sa ginawa umanong pag-out nito kay Alex.
Kaugnay nito, isang netizen ang nag-uudyok kay Alex na magsampa ng kaso laban sa fitness coach.
Saad ni Instagram user @pogiyuprans, “If I wer u magssampa ako ng kaso.. cyberbullying un… tsaka wala ka nmn sinabi directly sa kanya eh.. he should learn his lesson too.”
Tumugon si Alex Diaz at sinabi, “My friend @d_laurel told me that hurt people hurt people. I'm sure he's going through his own struggles, but thanks for the support my friend.”
Sa isa namang post niya noong October 22, humingi siya ng paumanhin sa mga tao naapektuhan ng kontrobersya tulad ng kanyang pamilya at mga kaibigan.
Proud din inamin ni Alex ang tunay niyang kasarian na isa siyang bisexual.
LOOK: Alex Diaz comes out as bisexual through Instagram post