
Isang mainit na pagsalubong ang bumungad sa Pinay tennis sensation at World No. 28 Alex Eala nang makauwi siya sa Pilipinas.
Mula pa lamang sa airport hanggang sa kanyang fan meet, ipinakita ng mga Pinoy ang kanilang pagmamahal at suporta sa star athlete.
Kaya naman labis ang pasasalamat ni Alex sa patuloy na mainit na pagtanggap sa kanya ng fans, maging sa Pilipinas o sa kanyang mga laban sa ibang bansa.
"It makes me feel great to feel all the love and see how I'm being received with gratitude and pride. So I'm grateful back. I want to give back as much as I can. The only way I know to do that is to keep working hard," ani Alex sa kanyang panayam kay Vicky Morales.
Isa sa mga hindi niya malilimutan ang papuri ng ilang fans sa kanyang karakter.
"I read a letter from a fan, and this was a year ago. She said that she was reminded that it's okay to feel things deeply. That resonated with me so much because I am someone who feels very deeply, and it's nice that people noticed that," kuwento niya.
Maliban sa kanyang husay sa loob ng court, madalas ding hinahangaan si Alex dahil sa kanyang tapat at taos-pusong mga sagot sa mga panayam at press conference.
Para sa 21-year-old tennis star, ipinagmamalaki niyang maibahagi ang kanyang tunay na nararamdaman sa kanyang mga tagasuporta.
"Through that, when I share my feelings and I wear my heart on my sleeve, I'm able to share those emotions or allow people to share in those emotions with me. I experience such great things and I feel such great emotion. As much as I can, I love to share that with others."
Nitong linggo, nakauwi si Alex sa Pilipinas matapos ang kanyang historic run sa Wimbledon 2026.
Umabot ang Pinay athlete sa Round of 16, kabilang ang kanyang panalo laban sa defending champion na si Iga Swiatek.
Dahil sa kanyang milestone, ginawaran siya ng presidential citation sa kanyang espesyal na homecoming reception sa Malacañan Palace.
Balikan ang fierce moments ni Alex Eala sa Round of 32 ng Wimbledon, dito: