GMA Logo alex eala
Photo source: @usopen
What's Hot

Alex Eala, nagtapos sa third round ng US Open

By Ron Lim
Published September 6, 2026 12:14 PM PHT
Updated September 6, 2026 5:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi, hindi apektado sa pagpapakasal muli ng ex-husband niyang si Gerald na nasa US: 'Expected ko 'yan'
Babae, Patay Human Mabangga ang Gisakyang Motor sa Sidecar sa Mixer Truck | Balitang Bisdak
Authentic Japanese food, MAY PINOY TWIST! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

alex eala


Matapos ang matinding laban kay Iva Jovic, nagpaalam sa third round ng US Open si Alex Eala.

Nagtapos ang kampanya ni Alex Eala laban kay Iva Jovic sa US open pagkatapos ng isang three-hour match kung saan nanalo sa second set si Alex bago tuluyang matalo kay Jovic sa isang intense na third set.

Ito ang unang pagkakataon na makaabot si Eala sa third round ng US Open, at ito rin ang kanyang pinakamagandang performance laban jay Jovic. Nagtunggali na ang dalawa sa 2026 French Open, kung saan nanalo si Jovic, 6-4, 6-2, at sa 2026 HSBC championships, kung saan nanalo ulit si Jovic, 6-2, 6-2.

Bago ang match na ito kay Jovic, tinalo ni Eala si Oleksandra Oliynykova, 6-1, 6-4. Natalo ni Oliynykova si Eala sa Internationaux de Strasbourg nitong May.

Ang run ni Alex Eala sa US Open ay pagkatapos ng kanyang panalo sa Mubadala DC Open, kung saan siya ay naging unang Filipino na nanalo ng WTA title sa Washington Open.

Dahil sa kanyang panalo, naging digital cover star ng Sports Illustrated si Eala. Ayon sa magazine, si Eala ang "The Pride of the Philippines and Tennis's Next Great Superstar."

Kasalukuyang No. 18 si Alex Eala sa world rangking ng Women's Tennis Association (WTA). Isa itong career high para sa kanya. Ang kanyang ranking din ang pinakamataas na ranking na nakamit ng isang babaeng Southeast Asian tennis player.