GMA Logo Alex Eala
Source: cincytennis (IG)
What's Hot

Alex Eala, nakita na ang kaniyang 'perfect fan'!

By Kristian Eric Javier
Published August 17, 2026 1:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapunan and Ferrer hug after heated exchange last week
Miss Supranational Katrina Llegado expresses gratitude to her supporters
P16M alleged smuggled cigarettes seized in Zamboanga City

Article Inside Page


Showbiz News

Alex Eala


Sino kaya ang "perfect fan" na tinutukoy ni Pinay tennis player Alex Eala?

Matapos ang sunod-sunod na pagkapanalo at ang makasaysayan niyang laban sa mundo ng tennis, maraming Pinoy na ang nagpakita ng paghanga sa Pinay tennis star na si Alex Eala.

Sa isang panayam kay Alex na uploaded sa Instagram ng Cincy Tennis, sinabi ni Alex na nakita na niya ang kaniyang “perfect fan” kamakailan.

Pagbabahagi ni Alex, “He was wearing an inflatable blue dinosaur kinda suit, and he had a Philippine flag cape, and he was like dancing in the stands, he put his leg up on the rail, he was like shaking it.”

“You are a perfect fan,” pagpapatuloy ng Pinay tennis star.

Ilang video ng naturang fan ang ipinakita habang isinasagawa ang naturang interview. Makikita sa mga video na ito ang isang bilog na sticker sa ulo ng dinosaur kung saan nakasulat ang “Laban, Alex!”

A post shared by Cincinnati Open (@cincytennis)

TINGNAN ANG CONGRATULATORY MESSAGES NA NATANGGAP NI ALEX MULA SA KANIYANG PINOY FANS SA GALLERY NA ITO:

Kamakailan lang ay naipanalo ni Alex sa kaniyang historic win ang WTA 500 Finals match laban sa US player na si Jessica Pegula. Pagkatapos nito ay lumaban naman si Alex sa naganap na Canadian Open. Ngunit sa kasamaang palad, tinalo siya ng No. 12 na Swiss Player na si Belinda Bencic at nagtapos sa Top 16.

Lumalaban din si Alex sa Cincinnati Open at makakaharap niya ang World No. 10 na si Amanda Anisimova ng USA ngayong Lunes, August 17.