GMA Logo Zeinab Harake Bobby Ray Parks Jr Alex Gonzaga
Celebrity Life

Alex Gonzaga and Zeinab Harake pull a prank on Bobby Ray Parks Jr.

By EJ Chua
Published July 15, 2024 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Bicameral Conference Committee (Dec. 14) - Day 2 | GMA Integrated News
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Zeinab Harake Bobby Ray Parks Jr Alex Gonzaga


Nagtagumpay kaya sina Alex Gonzaga at Zeinab Harake sa pag-prank kay Bobby Ray Parks Jr.? Panoorin dito.

Viral ngayon sa social media ang latest vlog ng actress-content creator na si Alex Gonzaga.

Ito ay ang "Napikon si Zeinab Prank by Alex Gonzaga" na sa kasalukuyan ay mayroon nang 3.4 million views sa YouTube.

Sa naturang vlog, inimbita ni Alex sa isang kunwaring vlog collaboration sina Bobby Ray Parks Jr. at Zeinab Harake.

Walang kaalam-alam si Ray na magkasabwat pala sina Alex at Zeinab para sa isang matinding prank.

Sa video, mapapanood na nagpunta sila sa isang coffee shop at mayroong mga babaeng nagpa-picture kay Ray at ilan sa mga ito ay sobrang dumikit sa kanya.

Hindi alam ng basketball player na ang mga babaeng nag-picture sa kaniya ay kilala nina Zeinab at Alex.

Dahil sa pagiging clingy ng mga babae, nagkunwari si Zeinab na napikon at nainis siya sa ginawa ng mga ito.

Ayon sa vlogger, nakakabastos na ang pagdikit nila sa kaniyang partner.

Tila sinubukan ni Zeinab sa vlog kung gaano siya kamahal ni Ray at kung ano ang gagawin nito kapag nagseselos na siya sa iba.

Matapos ang ilang beses na pagpapaliwanag at malambing na paghingi ng tawad ni Ray kay Zeinab, ibinunyag na ng magkakasabwat na prank lang ang nangyaring kaguluhan.

Nagulat si Ray ngunit natuwa siya dahil alam niyang nakapasa siya sa ganung klaseng pagsubok.

Samantala, sina Zeinab at Ray ay engaged na at napakaraming celebrities at fans ang talaga namang masaya para sa kanilang dalawa.

SAMANTALA, TINGNAN ANG GIGIL MOMENTS NG ANAK NI ZEINAB HARAKE NA SI ZEBBIANA