
Welcome to the club!
Ganito ang panimulang mensahe ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa bagong kasal na sina Cong TV at kapwa nitong content creator na si Viy Cortez.
Tumayong godparent ng Velasquez couple si Alex base sa Instagram post nito na um-attend ng kasal kasama ang mister na si Mikee Morada.
Sabi pa niya sa Instagram post para sa mga inaanak na masaya siya sa kanilang pag-iisang dibdib.
“Welcome to the club Cong at Viy! Nagsimula sa after 7 years na reply hanggang sa ngayon ninang at ninong na sa kasal. We are all very happy for the two of you!!!! Enjoy married life mga inaanak” post ni Alex.
May isang anak na sina Cong TV at Viy na si Zeus Emmanuel 'Kidlat' Velasquez. Inanunsyo nila ang kanilang engagement noong November 2022.
RELATED CONTENT: PRE-WEDDING OF CONG TV AND VIY CORTEZ