
Kitang-kita ang tuwa sa mukha ni Alex Gonzaga nang ibalita niyang nasa magandang kundisyon na ang kanyang katawan at handa na para magbuntis.
Sa ginanap na media launch ng Chef Aybs' Paragis Tea, humarap si Alex, kasama ang kanyang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga, sa mga miyembro ng entertainment media.
Dito, kinumpirma niyang puwedeng-puwede na siyang magbuntis.
“By drinking this… so far, by God's grace, my last test is positive na po ang katawan ko. So anytime, puwede na po tayong mabuntis,” sabi ni Alex tungkol sa bagong produktong kanyang iniendorso.
Matatandaan na dalawang beses nang nakaranas ng miscarriage ang ang TV host-actress. Una noong 2021, kung saan dumaan siya sa anembryonic pregnancy o ang paghinto sa pag-develop ng embryo. Pangalawa noong 2023, na naging dahilan ng pagsubok nila ng asawa niyang si Mikee Morada ng in-vitro fertilization.
Tingnan: Celebrities na nakaranas ng miscarriage
Para maipaliwanag nang husto ang kanyang kondisyon, sinabi ni Alex, “I've tried IVF. Before po, I'm doing LIT, it's a blood transfusion po for my… kasi nga po nakita na ang aking immue system is masyadong mataas. My body doesn't recognize pregnancies. So, nung nagtra-try po kami, hindi masyadong umaangat 'yung blood levels ko, yung aking immune… Basta, hindi ko ma-gets sa mga doctor, basta pumunta na lang ako dun.”
Ayon sa The Fertility Academy, ang LIT o lymphocyte immunization therapy ay isang uri ng immune treatment “to help prepare the immune system for pregnancy, so that instead of the immune system attacking the embryo or fetus, it can help acclimatize the prospective mother's body to the foreign cells.”
Patuloy pa niya, “Kasi sa test, tiningnan na yung blood, 'Oh, your body really can't take pregnancies.' Right now, it's really positive and 60 percent okay na po.”
Pabirong hirit pa niya, “Baka po mamaya pumunta na ako sa likod, nandiyan si Mikee, dito pa natin magawa. Basta tuluy-tuloy lang daw ang ano… ang pag-inom.”
Samantala, narito ang ilang celebrities na nagkaroon ng anak sa pamamagitan ng IVF: