
Viral ngayon sa social media ang video ng isang call center agent na, ayon sa maraming netizens, kahawig ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga.
Ang nasabing video ay in-upload ng trainer ng agent na nagngangalang Mamah Jaz sa TikTok, at mayroon na itong mahigit pitong milyong views mula nang in-upload ito anim na araw na ang nakalilipas.
Sabi sa caption, "HAHAHAHAHA as a Trainer I'm proud of you. Grabe!! Ang lala ng twinning nyo @Alex Gonzaga #kalookalike #alexgonzaga #fy #viral".
@jzvhrmsa HAHAHAHAHA as a Trainer I'm proud of you. Grabe!! Ang lala ng twinning nyo @Alex Gonzaga #kalookalike #alexgonzaga #fy #viral ♬ เสียงต้นฉบับ - เพลงรวม 🎶 Mix songs - เพลง🎵songs
Sa comments section ng post, nag-react si Alex Gonzaga sa kanyang look-alike. Aniya, huwag daw itong ipapakita sa kanyang asawa na si Lipa, Batangas vice mayor Mikee Morada dahil, biro ng komedyante, "magkakagulo pa kami!"
May nag-reply naman sa comment ni Alex. Kalakip ang crying emoji, biro ng TikTok user, "Alex tanungin mo po si Mommy Pinty baka may ka kambal ka na hindi na claim sa hospital."
Hirit pa ng isang nag-comment, "MAS KAMUKHA PA NYA SI ALEX KESA SA TOTOONG ALEX."
Marami naman ang naaliw dito dahil hindi lang si Alex Gonzaga umano ang may kamukhang artista sa viral video.
Ayon sa mga komento, may kahawig din daw sa mga call center agent si Karylle, content creators na sina Christian Mae Buhisan Sajulan at Mercedes Lasac (aka KaMangyan Vlogs), Candy Pangilinan, at tito ni Alex na si Jojo Cruz.
RELATED CONTENT: PBB Celebrity Collab housemates and their lookalikes