GMA Logo alex gonzaga proud of her ate toni gonzaga
What's Hot

Alex Gonzaga, sa pagbibigay tulong ni Toni Gonzaga, "Im so proud of my generous Ate."

By Aedrianne Acar
Published April 16, 2020 10:37 AM PHT
Updated April 16, 2020 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

alex gonzaga proud of her ate toni gonzaga


Nagsalita si Alex Gonzaga tungkol sa hindi pagpo-post ng kanyang Ate Toni ng mga ginagawa niyang pagtulong sa mga naapektuhan ng COVID-19.

Ngayong humaharap ang bansa sa isang malaking health crisis dulot ng COVID-19, maraming celebrities ang abala sa pagtulong sa kanilang kapwa na lubos na naapektuhan nito.

Isa na dito ang TV host/ actress na si Toni Gonzaga.

Ito ang ni-reveal ng kapatid ng aktres na si Alex Gonzaga sa kanyang tweet, kung saan proud nitong ipinakita ang mga ginagawa ng kapatid para makatulong.

Ayon sa celebrity vlogger, hindi talaga mahilig mag-post ang kanyang Ate Toni sa pagtulong na ginagawa niya.

"The 4th batch of our 1k relief goods is from my sister. She has been continuously helping without posting anything.

"She has built and renovated different churches, has scholars and regular feeding program for kids.

"Ako nalang magpost kasi im so proud of my generous Ate!"

TRIVIA: Get to know Alex Gonzaga's fiancé, Mikee Morada

May appreciation tweet din si Alex Gonzaga para sa kanyang fiancé na si Mikee Morada, na abala din ngayong bilang councilor sa Lipa City, Batangas.

"My love, I couldn't be any prouder to see how much you care for our kababayans. God bless you more konsi Mikee Morada Red heartRed heartRed heart"

Matatandaan na na-engage si Alex kay Mikee nang magbakasyon ang dalawa sa Hong Kong noong huling bahagi ng 2019.