GMA Logo Alexa Miro
Source: alexamiro.m/IG
What's Hot

Alexa Miro, hiwalay na sa kaniyang boyfriend

By Kristian Eric Javier
Published September 27, 2025 3:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcelito Pomoy nang makamayan si Donald Trump sa isang event: 'Once in a lifetime lang po 'yon'
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Alexa Miro


Hiwalay na si Alexa Miro sa kaniyang mystery boyfriend at inamin ang dahilan nito.

Hiwalay na ang aktres na si Alexa Miro sa kaniyang boyfriend na hindi niya pinangalanan dahil sa isang alleged third party sa kanilang relasyon. Ngunit base sa pagsasalita ng aktres, maiisip ng mga manonood na isang public figure rin ito.

Isiniwalat lahat ito ni Alexa sa kaniyang TikTok live stream nitong September 22 kung saan sinagot niya halos lahat ng mga katanungan ng kaniyang followers tungkol sa naturang breakup. Pagbabahagi ng aktres, limang taon silang on-and-off ng kaniyang nobyo bago sila tuluyang naghiwalay.

Ipinaliwanag din ni Alexa na hindi niya isinapubliko ang kanilang relasyon dahil ayaw diumano ng kaniyang nobyo, bagay na naging palaisipan din sa kaniya.

“Sino nagmukhang kilig na kilig sa media? E, di ako. Di ba?" sabi ni Alexa.

Para sagutin ang tanong ng isa sa mga manonood niya, kinumpirma ni Alexa na itinanggi ng kaniyang nobyo ang relasyon nila sa publiko.

May mga nagtanong din sa comments section kung ang tinutukoy ba niyang boyfriend ay ang presidential son at Ilocos Norte first district representative na si Sandro Marcos, ngunit umiwas na si Alexa na sagutin ito.

Inamin din ni Alexa na may third party sa relasyon nila ng nobyo, at deretsang sinabi na si Franki Russell ito. Aniya, sinubukan pa niyang kausapin ito tungkol sa ugnayan nito ng kaniyang nobyo, ngunit binastos at pinaiyak umano siya sa club kung saan sila nagkita.

“Binastos niya pa ako sa club. Pinaiyak niya ako kasi kinausap ko siya, e. Sabi ko, 'Girl, at the end of the day, it's not just the girl's fault, and all I wanna know is if he said I love you,” sabi ni Alexa.

Sagot umano ni Franki, “Tapos sabi niya, 'He already chose you, right? So, get out of my face.' So, umiyak ako doon.”

To the rescue naman ang kaibigan at kapwa aktres niyang si Barbie Imperial na ipinagtanggol siya mula kay Franki. Sinabihan din umano siya nito na hindi dapat siya umiyak, at pinapunasan ang luha niya, bagay na ipinagpapasalamat ni Alexa.

“So, buti na lang may best friend ako. May mga best friend ako na andiyan lang palagi para sa akin. Kasi importante 'yun, guys,” sabi ni Alexa.

Hindi naman nagbigay pa ng detalye si Alexa tungkol sa paghihiwalay nila ng nobyo. Ang tanging nilinaw lang niya, single siya ngayon at handa nang mag-move on.

“Sabi ko nga magmu-move on ako. Ganon talaga pag single. Pakak! We all deserve better. Remember that. We all deserve better. And it's something that you should tell yourself every day. I deserve better. I deserve better than this. I deserve better than the life that I currently have, or if you're grateful about your life then better,” pagtatapos ni Alexa.

BALIKAN ANG CELEBRITY COUPLES NA NAGHIWALAY NGAYONG 2025 SA GALLERY NA ITO: