Nagdadalamhati ang Quezon City councilor at aktor na si Alfred Vargas nang malaman na pumanaw ang seasoned showbiz columnist at Startalk host na si Lolit Solis sa edad na 78.
Nagbigay pugay si Alfred kay Nanay Lolit sa post niya sa Instagram. Aminado ang dating Encantadia star na tila nawalan siya ng magulang sa pagkamatay ng veteran entertainment writer.
Sabi niya, “My heart is totally broken. I feel like nawala ang isang malaking bahagi ng buhay ko. Ngayon ko lang nakayanan magpost.”
Pagpapatuloy ni Alfred, “Nawalan ako ng Nanay. Nawalan ako ng kaibigan. Nawalan ako ng Ninang. Nawalan ako ng tagapagpayo, mapacareer man o personal. Nawalan ako ng tagapagtanggol. Nawalan ako ng manager.
“21 years tayong magkasama, Nay Lolit. Walang kontrata. Just our word of honor at pagmamahal ang pinanghawakan natin through our meaningful years together. Bihira ang ganitong pagsasama. Through thick and thin talaga.
“You believed in me when many didn't. You were always honest with me and made sure I improved my craft and character. You picked me up when I was down. You helped me become stronger. You treated me like your own child.”
“Mahal na mahal kita, Nay Lolit. Sobrang mamimiss kita. Isa lang ang LOLIT SOLIS. Isa lang! Rest in peace, Nay.”
Bukod kay Alfred Vargas, ilan pa sa celebrities na inalala ang memory ni Lolit Solis ay sina Yasmien Kurdi at Lorna Tolentino.
RELATED CONTENT: