
Puno ng papuri ang award-winning actor na si Alfred Vargas sa kanyang co-star na si Nadine Samonte sa pinagsasamahan nila ngayong serye na Forever Young.
Kapwa kabilang sina Alfred at Nadine sa pinakabagong inspiring family drama ng GMA na Forever Young kung saan sila ang tumatayong mga magulang ni Rambo (Euwenn Mikaell) na sina Gregory at Juday.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Alfred na sabay silang nag-artista ni Nadine at nagkatrabaho na rin sa ilang mga proyekto.
"She's been a friend of mine for more than 20 years," sabi ni Alfred. "Actually, sabay kaming nag-artista ni Ms. Nadine Samonte and gumawa na kami ng few projects together."
Kaya naman masaya ang aktor na muling makatrabaho sa iisang serye ang aktres. Aniya, "It's so nice to work with her and she's a very great actress. Sobrang reliable siya on and off the camera."
Kasama nina Alfred at Nadine sa Forever Young ang award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell at ang beteranong mga aktor na sina Michael De Mesa at Eula Valdes.
Nasa serye rin sina Rafael Rosell, James Blanco, Matt Lozano, Dang Cruz, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.
Patuloy na subaybayan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: