GMA Logo Alfred Vargas sweet birthday message from Yasmine
Source: Alfred Vargas' Instagram
Celebrity Life

Alfred Vargas, kinilig sa sweet birthday message ng asawang si Yasmine

Published October 28, 2025 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Meralco to heed ERC order halting disconnections for May to July bills
5 Davao SK heads face probe over alleged fund misuse
What we know about Franco Mabanta

Article Inside Page


Showbiz News

Alfred Vargas sweet birthday message from Yasmine


Sa kanyang ika-46 na kaarawan, lubos ang pasasalamat ni Alfred Vargas sa suporta ng kanyang pamilya.

Hindi maitago ni Alfred Vargas ang kanyang "kilig" nang makita ang sweet birthday post sa Instagram ng kanyang maybahay na si Yasmine Espiritu-Vargas nitong nagdaang weekend.

"Kinilig ako dito sa bday message sa akin ni Misis," sabi ni Alfred sa kanyang mensahe para sa GMANetwork.com

Sa naturang Instagram post, makikitang kasama ng mag-asawa ang kanilang mga anak na sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra, Alfredo Cristiano, at kanilang bunso na si Aurora Sofia. May kalakip din na mensahe si Yasmine para sa birthday boy.

A post shared by 🌸 Yasmine E. Vargas 🌸 (@yasmine_vargas2307)

"Happy Birthday Amore ko!" panimula ni Yasmine.

"Amore" ang kanilang term of endearment para sa isa't isa at ito ay salitang Italian na nangangahulugan na
"love." At para sa hindi nakakaalam, si Yasmine Espiritu ay half-Filipino at half-Italian na lumaki si Milan, Italy bago ito mapadpad sa Sta. Cruz, Laguna, kung saan una siyang nasilayan ni Alfred Vargas.

Unang pinasalamatan ni Yasmine ang pagiging "big dreamer" at "hard working" ni Alfred.

"Our dreamer, our strength. You've always been the one with big dreams, not just for yourself but for all of us.

"You're the only one I know whose dream is to help others reach their dreams. And I see this in you everyday. You always work so hard, without complaints, to turn these dreams into reality. Thank you for this."

Hanga rin ito dahil sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng kanyang mister, nananatiling matatag si Alfred at committed sa kanyang mga tungkulin bilang isang ama at public servant.

"Through every challenge, your unwavering faith becomes the light that guides our family."

Masaya lang din si Yasmine na pinili ni Alfred na ipagdiwang ang kanyang ika-46 na kaarawan sa pamamagitan ng isang simpleng salusalo kasama ang kanilang mga anak.

"No big party, no fancy restaurant, no fancy outfits. Just us, our little world, and the simple joys we cherish. Because this is how we like it. Simple, intimate and full of love.

"Thank you for dreaming for us, for loving us unconditionally, and for being the strength of our family."

Hindi na bago sa followers at fans ni Alfred Vargas ang ganitong klaseng mga post. Matagal nang "expressive" at "showy" ang mag-asawa pagdating sa kanilang pagmamahalan, bagay na kinagigiliwan at hinahangaan naman ng karamihan. Mapapansin na madalas na may kalakip na hashtag ang ganitong mga post na #vargasnapagibig.

Sa social media din kasi naglalabas ng kanyang mga saloobin si Alfred, tungkol man ito sa personal na buhay o sa kanyang propesyon bilang aktor at konsehal ng Quezon City.

Matatandaan na nitong Oct. 1, sinakyan ni Alfred ang #parasabatangako trend, kung saan "kinausap" niya ang kanyang "younger self." Agad naman itong pinusuan ng marami dahil na rin sa pagiging relatable at "tagos sa puso" ng mensahe ng aktor: "Maging matapang ka sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Huwag kang matakot magkamali dahil doon ka matututo."

Tulad din ng ibang mga magulang, puno rin ang social media accounts ni Alfred ng posts tungkol sa achievements ng kanyang mga anak.

Matatandaan na noong Sept. 20, proud si Alfred na i-share ang magandang balita na matagumpay na naitawid ng kanyang unico hijo na si Cristiano ang kanyang first swimming competition.

A post shared by 🌸 Yasmine E. Vargas 🌸 (@yasmine_vargas2307)

Talented at award-winning swimmers din ang mga ate ni Cristiano na sina Alexandra at Aryana.

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)

RELATED CONTENT: Alfred Vargas, binalikan ang 'lihim na kasal' nila ni Yasmine Espiritu