GMA Logo alfred vargas on arabella
What's Hot

Alfred Vargas, sa first team up nila ni Camille Prats sa 'Arabella': 'Feeling ko prinsipe ako'

By Nherz Almo
Published February 11, 2023 9:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

alfred vargas on arabella


Muling makakatrabaho ni Alfred Vargas ang young actress na si Shayne Sava sa 'AraBella' sa GMA Afternoon Prime.

Matapos ang kanyang maiksing pagganap bilang si Dr. Christian sa hit teledramang Unica Hija, muling mapapanood si Alfred Vargas sa GMA Afternoon Prime sa pamamagitan ng AraBella.

“Ang saya ko sa Unica Hija kasi ang ganda ng role ko doon kahit na short-lived. Alam mo yung markado talaga. Ngayon, sa lahat ng social media ko, hinahanap ako, kawawa naman si Hope.

“Ngayon, very grateful ako kasi sinundan naman ng AraBella. It's a very compelling show. This time naman, full-time na [ako], from start to finish,” sabi ni Alfred nang makapanayam siya ng GMANetwork.com kamakailan.

Sa naturang programa, gaganap bilang tatay si Alfred, bagay na nakaka-relate daw siya dahil isa rin siyang ama.

“Sobra [akong naka-relate], in a way na gagawin mo ang lahat para sa anak mo. Siguro, yung mga questions like, 'Ano ba ang ibig sabihin ng family? Dapat ba kadugo or you can choose your family?'

Kaugnay nito, pinuri niya ang GMA Network dahil sa magandang konsepto ng upcoming afternoon series.

Aniya, “Ang ganda, e. Once again, the GMA creative team has done something and something that touches the heart of the Filipinos.”

Nabanggit niya tungkol sa naging samahan niya at ng co-actors niya sa programa, “Alam mo, ang bilis ng taping, e. Parang kami, 'Naka-16 weeks na pala tayo? Parang paumpisa pa lang tayo.' We have grown to love each other on the set.”

Sa AraBella, muli makakatrabaho ni Alfred ang dalagang aktres na si Shayne Sava, na naging anak din niya sa dating GMA Telebabad series na Legal Wives.

“Anak-anakan ko siya dito. Ang galing na bata, parang kahit ako, nadadala ako. Bagay na bagay sa kanya ang role niya,” sabi ng aktor tungkol kay Shayne.

Pinuri rin niya ang isa pa sa mga bida ng serye na si Althea Ablan, “She's very versatile. You will not think na yung isang 18 years old, ganun kahaba ang range niya. Ang galing niya kasi may pagkakontrabida siya rito. Ang galing niya sa mga eksena, kaya niyang sabayan ang veteran actors.”

Binigyan-diin din ni Alfred ang galing sa pag-arte nina Camille Prats at Klea Pineda, na magkakabanggan ang kani-kanilang mga karakter sa serye.

Sabi ni Alfred, “Dito sa Arabella, ang daming bakbakan nina Klea Pineda at ni Camille Prats. Ang ganda ng mga sagutan nila, maganda ang chemistry nila bilang bida at kontrabida.”

Sa huli, pabirong hirit ni Alfred sa pagtatambal nila ni Camille. Aniya, “First time ko makatrabaho si Camille Prats, feeling ko prinsipe ako. Bakit? Kasi kasama ko si Princess Sarah.”

Kilalanin sina Ara at Bella sa video na ito:

SAMANTALA, TINGNAN ANG CUTE DAUGHTERS NI ALFRED SA GALLERY NA ITO: