
Hindi alintana ang lamig ng panahon para kay First Lady star na si Alice Dixson at kaniyang anak na si Baby Aura na nag-enjoy sa kanilang "mommy and me time" sa swimming pool habang naka-staycation sa isang hotel.
Sa mga larawan na ipinost ni Alice sa Instagram, makikita ang kaniyang very bright smile habang nakikipag-bonding sa kaniyang anak.
"Staycations are back!!! This one was perfect for some 'mommy and me R & R' especially since the holidays are around the corner," ayon pa sa caption ng aktres sa kaniyang post.
Mommy dyesebel at baby dyesebel daw ang peg ng mag-ina habang nagtatampisaw sa swimming pool.
"My baby dyesebel and I are hanging out by the pool," dagdag niya.
Pagkatapos ng kanyang pagganap sa The Legal Wives, muli namang mapapanood si Alice sa sequel ng First Yaya series na First Lady na malapit nang mapanood sa GMA Primetime.
Samantala, silipin naman ang ilan pang mga larawan ng sweet moments nina Alice at Baby Aura sa gallery na ito: