GMA Logo Alice Dixson and Shane Sava
What's on TV

Alice Dixson at Shayne Sava, gaganap bilang mag-ina sa 'Legal Wives'

By Marah Ruiz
Published February 16, 2021 5:37 PM PHT
Updated June 2, 2021 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Alice Dixson and Shane Sava


Lalabas bilang mag-ina sina Alice Dixson at Shayne Sava sa upcoming cultural drama series na 'Legal Wives.'

Kapwa nasa lock-in taping ng upcoming cultural drama series na Legal Wives sina Alice Dixson at StarStruck 7 Ultimate Female Survivor Shayne Sava.

Gaganap bilang mag-ina sina Alice at Shayne sa serye. Si Alice ay si Amirah, habang si Shayne naman ay si Jamilah.

Alice Dixson and Shayne Sava in Legal Wives

Sa isang Instagram post, nagbahagi si Alice ng litrato nila ni Shayne na magkayakap at suot ang magagandang mga baro nila mula sa serye.

"Introducing my #LegalWives daughter #JamilahMacadato (I learned that her name means beautiful ) played by @shaynesava," sulat niya sa caption.

Ibinahagi din ni Alice na ang pagganap niya bilang Amirah ang kauna unahang role niya bilang isang Muslim.

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)


Ang Legal Wives ay tungkol sa isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaking Maranaw ang tatlong magkakaibang babae para sa iba't ibang dahilan.

Si Amirah, na gagampanan ni Alice, ang unang asawa. Ipinakasal siya kay Ishmael, na gagampanan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo, matapos mabiyuda.

Si Jamilah, na role naman ni Shayne, ang anak ni Amirah sa unang asawa.

Masaya daw si Shayne na makatrabaho ang mga respetadong aktres tulad nina Alice, Cherie Gil at Irma Adlawan.

Bilang isang baguhang sa larangan ng showbiz, nakakakuha daw siya ng ilang pointers tungkol sa pag-arte mula sa mga ito.

"May scene po na tinuran po nila 'ko kung paano ko dapat atakihin 'yung script ko, kung paano dapat atakihin 'yung sasabihin ko. Dahil po doon, mas lalo pong nagbigay klaro doon po sa scene po na gagawin namin--kung ano po 'yung dapat kong gawin, kung paano ko pa siya dapat i-deliver. Sobrang nakakatuwa lang po kasi nakakakuha ako ng advice tapos galing pa po sa veteran actress so honored po talaga ako," pahayag ni Shayne sa isang online interview kasama ang piling miyembro ng media, kabilang ang GMANetwork.com.

Bahagi din ng Legal Wives sina Andrea Torres, Bianca Umali, Al Tantay, Ashley Ortega, Abdul Raman at marami pang iba.

Samantala, silipin ang unang araw ng taping ng Legal Wives sa gallery na ito: