GMA Logo Alice Dixson, Marian Rivera, Anne Curtis
Source: alicedixson (IG)
What's on TV

Alice Dixson, ibinahagi kung paano nabuo ang viral TikTok nila nina Marian Rivera at Anne Curtis

By Kristian Eric Javier
Published October 27, 2026 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Herlene Budol at Kevin Dasom, binalikan ang simula ng kanilang love story
The Miss Globe PH Sasha Lacuna is now officially sashed
Ruffa Gutierrez warns 'Red Crown' viewers: 'Mapapasigaw kayo'

Article Inside Page


Showbiz News

Alice Dixson, Marian Rivera, Anne Curtis


Hindi planadong pagsasama-sama ang naging viral moment ng tatlong aktres na minsang gumanap bilang Dyesebel sa magkakaibang panahon.

Viral kamakailan ang isang TikTok video ni Alice Dixson, kung saan makikita ang tatlong aktres na gumanap bilang Dyesebel sa magkakaibang panahon: sina Alice, Marian Rivera, at Anne Curtis.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, October 27, inamin ni Alice na hindi planado ang pagkikita nila at paggawa ng naturang video. Aniya, inaya niya si Marian na gumawa ng TikTok video, at napagkasunduan nilang gawin ang dance challenge sa kantang “Oohh Lala Baby” ng Baby Dolls.

“I'm like, 'Okay, let's do that,' because she's game to do that. And then backstage, bago kami lumabas, siguro we had a few minutes before we got introduced as judges, and Anne was there, and she said, 'What are you girls talking about? Ano'ng pinag-uusapan n'yo?' Gusto niya makialam and I said, 'Magti-TikTok kami, bakit? Gusto mo sumali?' And then she said, 'Yeah, okay. Ano'ng gagawin?'” kuwento ni Alice.

Dagdag pa ni Alice, si Anne pa ang nagturo sa kanila ng dance steps. Bago niya i-post ang video, napansin naman ng kaniyang business coordinator na tatlong aktres na gumanap bilang Dyesebel ang magkakasama sa naturang clip.

“'Yung business coordinator ko na si Reneselle is the one who said, 'Three Dyesebels.' And I said, 'Oh my God, oo nga.' She was the one who parang unlocked the door, and I'm like, I didn't realize it also na that was the scenario,” sabi ni Alice.

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Matatandaang ginampanan ni Alice ang karakter sa 1990 Regal Films version ng Dyesebel. Samantala, si Marian naman ang gumanap bilang sirena sa GMA series noong 2008, habang si Anne ang bumida sa isang primetime series na ipinalabas noong 2014.

TINGNAN ANG STUNNING LOOKS NI ALICE DIXSON SA KANIYANG 50s: