What's on TV

Alice Dixson, mapapanood sa 'Maging Sino Ka Man'

By Jansen Ramos
Published October 16, 2023 11:31 AM PHT
Updated October 16, 2023 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Alice Dixson on Maging Sino Ka Man


Magkakaroon ng cameo appearance ang batikang aktres na si Alice Dixson sa special limited series na 'Maging Sino Ka Man' kung saan makakaeksena niya ang mga bida nitong sina Barbie Forteza at David Licauco. Ano kaya ang role niya dito?

Bago pa man matapos ang sinusubaybayang Maging Sino Ka Man, isang bagong karakter ang mapapanood sa special limited series.

Sa latest online exclusive video na inilabas ng programa, ipinakilala ang seasoned actress na si Alice Dixson bilang bagong parte ng action-drama series kung saan magkakaroon ng cameo appearance ang mahusay na aktres.

Sa isang eksena, makikitang may hawak na baril ang karakter ni Alice.

Makakaeksena rin niya ang mga bida ng Maging Sino Ka Man na sina Barbie Forteza at David Licauco.

Hindi pa sinabi kung ano ang magiging papel ni Alice sa serye kaya hinikayat niya ang viewers na abangan ito.

Panoorin ang video sa itaas.

Patuloy na subaybayan ang Maging Sino Ka Man weeknights, 8:00 p.m. sa GMA, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Mapapanood din ang special limited series sa GTV sa ganap na 9:40 ng gabi.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Maging Sino Ka Man sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA-owned and operated online platforms.

NARITO ANG IBA PANG ARTISTANG NAPAPANOOD SA MAGING SINO KA MAN.