
Kamakailan lang ay napanood ang batikang aktres na si Alice Dixson sa GMA Telebabad series na Maging Sino Ka Man.
Nagkaroon siya ng special appearance sa serye bilang Claudette, dating propesor ng karakter ni Barbie Forteza bilang Monique. Si Claudette ang tumulong kay Monique para matakasan ang humahabol dito.
Sa ngayon, habang hindi abala sa TV projects si Alice, may tinapos siyang mga pelikula at binuhos din ang oras sa kanyang pamilya lalo na sa anak niyang si Aura.
"She'll be turning three in four months so she's talking already and marami siyang sobrang cute things na ginagawa. She knows what she wants all the time kaya nakikipag-communicate siya. She does gymnastics and she's already a good swimmer so I'm so excited," kwento niya kay Lhar Santiago para sa 'Chika Minute' report nito sa 24 Oras noong October 16.
Gumagawa na rin daw ng plano si Alice para sa darating na Kapaskuhan
Aniya, "Kung may trabaho man ako, of course, I'll be here but, if not, I will be with my family sa ibang bansa."
Laging laman ng kanyang Instagram account ang dalawang taong gulang niyang anak.
LOOK: Alice Dixson and Baby Aura's sweetest moments
Hindi man pinapakita ni Alice ang mukha ni Aura, kapansin-pansin na enjoy na enjoy ng 54-year-old actress ang pagiging first time mom.
Madalas ding mamasyal ang mag-ina, gaya ng pagpunta sa beach.
Ibinida rin niya ang simpleng bonding moments nila ni Aura.
Isinilang si Aura via surrogacy sampung taon matapos magpa-freeze ng egg si Alice.
NARITO ANG IBA PANG ARTISTANG SUMAILALIM SA EGG FREEZING.