
Sa interview ni Heart Evangelista with Igan sa Tonight With Arnold Clavio, naikuwento ng aktres ang kanyang trip to Korea para sa show niyang My Korean Jagiya.
Aniya, "Yes, nagpunta ako ng South Korea. Para mapag-aralan ['yung culture sa Korea] at nag-shooting kami doon. Nagpunta kami sa iba't ibang lugar na pinagshootingan ng mga artista [sa mga Korean dramas]. 'Tsaka doon ko rin sila nakilala at nakatrabaho ko rin 'yung mga Koreano (Korean actors in 'My Korean Jagiya') doon."
Dagdag pa niya, "Ayun, experience siya, kasi first time ko rin makapunta sa Korea."
Alin naman ang pinaka-memorable at favorite tourist spot ni Heart?
Ika niya, "Siguro 'yung Nami Island. Maganda siya, parang forest siya, magaganda 'yung mga puno. 'Tsaka 'yung Myeondong kasi ang sasarap ng pagkain. 'Yung mga street food nila sobrang sarap."
Ang Myeongdong ay kilala bilang shopping district sa South Korea. Samantala, ang Nami ay isang half moon-shaped isle na malapit lang sa Seoul.
Dagdag pa ni Heart, na-enjoy daw niya ang city life sa South Korea. Aniya, "'Tsaka feel na feel mong nasa Korea ka kasi ang daming mga anik anik na mga abubot, ganyan."