What's Hot

Aling Maliit, magiging prinsesa at sirena?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 12:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DPWH Sec. Dizon at the Ombudsman (Jan. 12, 2026) | GMA Integrated News
Over 1,100 families flee as Mayon unrest continues
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Natupad na rin ang pangarap ni Ryzza Mae Dizon na magkaroon ng magarbong gown at buntot. Saan niya isusuot ang mga ito? 
By SAMANTHA PORTILLO


Ipinakita ni Ryzza Mae Dizon sa 24 Oras ang suot niyang costume sa shooting ng Metro Manila Film Festival entry nila ni Vic Sotto na Big Bossing’s Adventure.
 
Kinasasabikan daw niya ang pagsusuot ng magarbong costume dahil pangarap talaga niya ang maging isang prinsesa.
 
Pagmamalaki pa niya, magiging maganda ang pelikula nila dahil may tatlo itong istorya.
 
“Masaya po at saka po maganda po. Siguro magiging number one po sa December 25. Basta abangan niyo po, maganda po,” ani Aling Maliit.
 
Sa unang istorya, isa pang pangarap ni Ryzza Mae ang matutupad: ang maging isang sirena. Nasukat na raw ni Ryzza ang kanyang buntot. Sanay na ba siyang lumangoy?
 
“Nag-aaral po. Minsan, nakakatakot,” sagot niya.
 
Bukod sa kanyang pelikula kasama si Bossing at ang Primetime Queen, excited na rin si Ryzza na maging flower girl sa DongYan wedding.
 
Ito ang mensahe niya kay Maran: “Hi po, Ate Yan-Yan! Excited na po akong mag-flower girl sa kasal niyo!“