Article Inside Page
Showbiz News
Sa pagkamatay ni Lumad (Mikael Daez) sa epicserye na Amaya, mayroong bagong character na papasok sa buhay ni Amaya.

Sa pagkamatay ni Lumad (Mikael Daez) sa epicserye na Amaya, mayroong bagong character na papasok sa buhay ni Amaya. Kilalanin natin si Dayaw. Text by Loretta G. Ramirez

Patuloy ang magandang ipinapakita ng Amaya sa ratings game kaya naman kamakailan lumabas ang balita na extended ang kauna-unahang epicserye sa telebisyon.

"Actually, dapat ang Amaya hanggang October lang tapos na-extend kami ng November. Then last, last week, sinabi nila na hanggang January na. So naka-dalawang extension siya. Ang saya ng Pasko kasi may trabaho," ang pahayag ni Marian Rivera, na siyang lead star ng Amaya.

At dahil dito, may mga bagong characters ang ipapakilala sa istorya, at isa na dito si Dayaw, na gagampanan ni Aljur Abrenica.

Si Dayaw (meaning: to show with pride) ay panganay na anak ni Posaka (beloved by the people), ang Bagani (Manobo meaning war priest and leader) ng kanilang banwa. Sila ay mga Manobo na mula sa Agusan. Si Dayaw ay isang Manikiad, ang titulo na ibinibigay sa isang mandirigmang nakapatay na ng isa o dalawang tao. Ang kanyang amang si Posaka ay isang Bagani, warrior chief, na mahigit sa lima na ang napaslang. Ang isang Manikiad ay sinasabing susunod sa pagiging Bagani.

Ang kanilang kultura at paniniwala ay hindi nila hinahayaang mawala sa kanila o mabahiran ng ibang kultura kaya’t sarado ang kanilang tribu. Hindi sila nagpapapasok ng sinumang tagalabas o pumapayag na mabahiran ang kanilang mga paniniwala at kultura.

Ngunit iba si Dayaw. Palibhasa, siya ang palaging naaatasan na magdala ng kanilang mga kalakal (prutas, gulay, at iba pa) sa mga taga-ibaba (mga taga kapatagan o taga dagat) o tagalabas, kaya lantad siya sa ibang tao, kultura at paniniwala. Kaya naniniwala siya na para sila ay matuto, kinakailangan nila ng mga tagalabas upang mapag-aralan ang mga kultura nito.

Noong isang linggo pa dapat ipapakilala ang character ni Aljur sa Amaya, pero dahil sa nakaraang bagyo na si Pedring, naantala ang paglabas ni Dayaw sa epicserye. Mamayang gabi (October 4) mapapanood na natin si Aljur sa wakas.

Tuklasin kung ano nga ba ang magiging papel ni Dayaw sa buhay ni Amaya. Subaybayan ang lalo pang nagiging kapana-panabik na istorya ng prinsesang may kambal-ahas.

Mapapanood ang Amaya weeknights sa Telebabad block ng GMA.