Article Inside Page
Showbiz News
Noong nakaraang linggo lang nang mag-umpisang lumipad ang 'Adarna' sa GMA Telebabad na pinagbibidahan ni Kylie Padilla. Kasama niya dito sina Geoff Eigenmann, Mikael Daez at Benjamin Alves. Ano naman kaya ang masasabi ng boyfriend ng actress, ang GMA’s Prince of Drama na si Aljur Abrenica, sa tatlong aktor na makakapareha ni Kylie?

Noong nakaraang linggo lang nang mag-umpisang lumipad ang
Adarna sa GMA Telebabad. Ang bida sa latest fantaserye ng GMA ay si Kapuso actress Kylie Padilla, ang real life girlfriend ng GMA’s Prince of Drama na si Aljur Abrenica.
Ito ang unang lead role ni Kylie sa primetime. Ano naman kaya ang reaksyon ng kaniyang boyfriend na matagal nang bumibida sa mga primetime soaps? “I'm very happy, I'm happy for her,” sagot ni Aljur.
Kuwento ni Aljur, matagal na raw pinapangarap ni Kylie ang magkaroon ng lead role sa primetime. At ngayong nabigyan na raw ito ng chance sa
Adarna, sobrang tuwa raw ng kaniyang girlfriend dahil itinuturing nitong dream come true ang proyektong ito.
Dagdag pa ni Aljur, hindi raw basta-bastang project ang ibinigay ng GMA kay Kylie dahil napakaganda raw ng istorya ng
Adarna. Bukod pa raw dito ay nakaka-challenge ang role dahil ang character na ginagampanan ni Kylie bilang Ada ay isang taong ibon na kakailanganing lumipad.
Sa katunayan daw ay malaking paghahanda ang ginawa ni Kylie at dumaan pa talaga ito sa mga harness workshops para sa mga scenes ng paglipad niya.
Paano nga ba sinabi ni Kylie kay Aljur ang magandang balita tungkol sa
Adarna? “Simple lang eh. Sinabi niya sa 'kin na magkaka-primetime na siya so nag-celebrate kami,” he answered.
Pero bukod sa dream project ni Kylie, isa rin daw na pinapangarap ni Aljur ang makatambal niya ang girlfriend sa mga future projects niya kung mabibigyan ng pagkakataon.
Pagdating naman sa tatlong leading men ni Kylie na sina Geoff Eigenmann, Mikael Daez at Benjamin Alves, natutuwa raw si Aljur dahil malapit sa kaniya ang mga ito. “I’m happy sa makakatrabaho niya. Kasi ‘yung mga makakatrabaho niya (ay) magagaling na artista (at) mga kaibigan ko rin,” saad niya.
Ano ba ang ine-expect ni Aljur sa paglipad ni Kylie? “Nakikita ko na mas marami siyang matutunan sa
Adarna.”
Patuloy na subaybayan ang character ni Aljur bilang Nick sa
Prinsesa ng Buhay Ko at si Kylie Padilla naman bilang Ada sa
Adarna, both in GMA Telebabad.
For the latest updates on Aljur Abrtenica, Kylie Padilla, and your favorite Kapuso stars and shows, keep visiting
www.gmanetwork.com. -
Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com