Kasama raw sa tatlong production numbers si Aljur pero isa lang ang ginawa nito at pagkatapos ay umalis na umano ito ng walang paalam. Tuloy nag-iisa na lang si Kris Bernal na rumampa para sa The Last Prince na bahagi ng major production number tampok ang mga bida ng GMA teleseryes.
Na-interview ni Tweetbiz paparazzo Danzen Santos si Aljur upang hingan ng paliwanag tungkol sa isyung ito.
Ayon kay Aljur, hindi naman daw siya umalis nang walang paalam. Bago pa raw kasi ang anniversary show sa Araneta ay naka-block off na ang schedule niya para sa June 18 dahil yun din ang araw na naka-set para sa show niya sa Batangas kaugnay na rin ng anniversary ng itinayo nilang bar doon ng daddy niya.
Nakapagbenta na raw sila ng mga tiket para sa show na ito kaya hindi pwedeng hindi niya siputin ito.
Pero nakiusap daw ang GMA management sa kanya na dumalo pa rin sa anniversary show. Bilang homegrown talent pumayag naman si Aljur. Subalit nagpasabi raw siya na kailangan niyang umalis ng 9pm para mapuntahan din niya ang isa pa niyang commitment.
Hindi naman daw akalain ni Aljur na late na magsisimula ang show sa Araneta. Alas-diyes na raw nang magsimula ang show. Pero pinilit pa rin ni Aljur na makasama sa unang production number na kabilang siya. Pagkatapos nga nito ay umalis na siya.
Ayon kay paparazzo Gorgy Rula, dinamdam daw ni Aljur ang isyung ito dahil negative nga naman ang naging dating sa mga tao. Sana raw ay nalinawan na ang mga tao sa totoong pangyayari.
Humanga naman ang Tweetbiz team kay Aljur sa pagiging professional ng young actor na pumunta pa rin sa anniversary show para ma-feel ang kanyang presence kahit na nga may conflict sa schedule niya. --Tweetbiz
Pag-usapan si Aljur sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get in touch with Aljur. Just text ALJUR (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) ALJUR (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.