What's Hot

Aljur Abrenica, sinagot ang mga intrigang Denial Prince at Takas Prince siya

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 23, 2020 8:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Nakilala siya bilang The Last Prince dahil sa nagtapos nang top-rating telefantasya na pinagbidahan niya sa GMA-7.
Nakilala siya bilang The Last Prince dahil sa nagtapos nang top-rating telefantasya na pinagbidahan niya sa GMA-7. Dahil dito kinilala rin siya bilang isa sa Primetime Prince ng Kapuso Network. starsPero lately may iba pang titulo na ikinakabit sa pangalan ni Aljur na pawang negative nga lang – Denial Prince at Takas Prince. Special guest paparazzo si Aljur sa Tweetbiz ngayong gabi, July 6, kaya nakaroon ng pagkakataon ang aktor para magpaliwanag tungkol sa mga isyu at intrigang kinakaharap niya ngayon. Binansagang Denial Prince si Aljur ng veteran columnist na si Ricky Lo dahil daw sa pagde-deny ng aktor tungkol sa umano’y naging relationship nila ni Rich Asuncion lalo na nang umupo ang aktor sa controversial Don’t Lie To Me segment ng Showbiz Central . Dinenay din kasi ng aktor na nagkita sila ni Rich sa Bohol nung gumagawa sila doon ng movie ng ka-loveteam niyang si Kris Bernal. Ayon kay Aljur, noong una raw ay natatawa lang siya sa tag na Denial Prince. Pero pagtagal-tagal daw ay nasasaktan na rin siya lalo pa’t nata-tag din siya bilang babaero. Tungkol naman sa pagiging Takas Prince na binansag sa kanya dahil sa pag-alis niya sa GMA 60th Anniversary show sa Araneta Coliseum, nakapagpaliwanag na si Aljur na nagsabi naman siya sa GMA dahil sa conflict sa schedule ng isa pa niyang commitment na show na naunang nai-book. Pero muling nabuhay ang pagiging Takas Prince niya nang tinakasan daw ni Aljur ang pinangakuan niyang interview para sa isang TV show pagkatapos ng Bench Uncut fashion show last July 2 sa Big Dome. Diumano’y nairita ang staff ng show kay Aljur dahil pinaghintay daw sila ng aktor pero tumakas lang daw ito at hindi nagpakita sa kanila. Paliwanag ni Aljur, wala raw siyang naaalala na pinangakuan niya ng interview. Kaya after daw ng show ng Bench ay umalis na siya at tumuloy sa isang restaurant para kumain bago umuwi. Si Lhar Santiago nga raw ng GMA News ay tumawag pa sa kanya dahil gusto nga siyang ma-interview. Sinabihan niya ang TV reporter na sumunod na lang daw sa restaurant na ginawa naman nito. Tinanong din si Aljur ng Tweetbiz team tungkol sa umano’y nakakabitin niyang act sa Bench show kung saan ipinasilip niya lang ang underwear niya at hindi niya tinuloy ang paghuhubad ng kanyang jeans. Desisyon niya raw talaga na gawin ito at huwag nang ituloy ang gimik na suggestion ni Tweetbiz paparazzo Gorgy Rula na nakausap niya bago ang show. Mas daring kasi ang suggestion ni Gorgy kaysa sa ginawa niya on stage. Sabi ni Aljur, wala raw siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Pagdating daw ng tamang panahon magiging komportable rin siya sa mas daring na pagrampa on stage. Sinagot din ni Aljur ang intrigang yumayabang na raw siya at lagi pang nale-late sa taping o sa show. Aniya, nagpapaalam naman daw siya sa production na male-late siya kaya hindi naman dapat maging isyu ang pagiging late niya. Tungkol naman sa pagiging mayabang, lately raw kasi ay nagiging sakitin siya kaya nagbabago ang mood niya. Hindi naman daw niya sinasadya kung sakali mang hindi maganda minsan ang timpla niya kaya hindi rin maganda ang pakikiharap niya sa mga tao. Sa lahat ng ito nagpapasalamat pa rin si Aljur sa production at sa GMA management dahil sa pag-unawa sa kanya. Hindi rin daw siya pinababayaan ng Kapuso network at pati na rin ng kanyang loyal fans. Samantala, ikinagulat naman ni Aljur ang hula sa kanya ng resident psychic ng Tweetbiz na si Myster E na posible siyang makabuntis kung hindi siya mag-iingat. - Tweetbiz Catch Tweetbiz on Q Channel 11 from Monday to Friday at 7:30 PM with replays at 10:30 PM. Pag-usapan si Aljur sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get more updates from Aljur thru his Fanatxt service! Text ALJUR (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS Wallpapers text GOMMS (space) ALJUR (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is available in the Philippines.