What's Hot

Aljur at Kris, may chemistry pa rin

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 31, 2020 10:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Easter Vigil at Manila Cathedral | GMA News
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News



On their fifth visit sa iGMA Live Chat, marami pa ring nagpapadala ng mga mensahe at tanong sa kanila. May chatters din sila na galing pa sa ibang bansa.
Hindi na bago para kina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang bumisita sa iGMA Live Chat. On their fifth visit sa cyber hot seat, marami pa ring nagpapadala ng mga mensahe at tanong sa kanila. May chatters din sila na galing pa sa ibang bansa. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. stars"Nakakabitin nga e," Kris Bernal says pagkatapos niyang sabihin sa iGMA na nag-enjoy pa rin siya sa kaniyang live chat experience. "Hindi namin halos ma-reply-an din 'yung ibang mga chatters. 'Yung iba, binanggit ko na lang 'yung usernames nila." Maituturing na continuation ito ng kanilang live chat last December kaya naman the two came up with a system in answering their questions. Kris tells us, "Sinagot ko talaga 'yung mga controversial na mga questions. At least [kasi], 'yung mga common questions, nasagot [na] namin ni Aljur." Ang kaso lang, Aljur Abrenica notes that this time around, parami pa rin ng parami ang chatters nila. "Every chat may mga panibagong pangalan kaming nakikita kaya nakakatuwa po dito." He adds na nakakawala raw ng pagod at stress ang kanilang live chat experience. "Nakakataba ng puso 'yung mga comments nila sa amin ni Kris." The last time na nag-chat ang dalawa, The Last Prince was still a month away from its premiere. Ngayong malapit nang mag-isang buwan ang airing ng show, Kris is very happy with one particular feedback na nakuha nila from the chatters: "Ang sarap-sarap pakinggan kapag sinasabi nila na hanggang ngayon, nakikita pa rin nila 'yung chemistry namin ni Aljur." Kris tells us na matagal na ang tambalan nila ni Aljur, and it has already spanned seven shows! "Two years na kami! Pero hanggang ngayon, sinasabi nila na nakikita pa rin nila 'yung spark; nakikita pa rin nila 'yung kilig." But, at the same time, Kris says hindi lang naman puro positive ang nakuha nilang feedback. "Pero happy kami dahil nakita rin namin kung paano kami pinagtatanggol. Nakikita namin 'yung mga supporters namin, kung paano nila kami pinagtatanggol sa mga negative na nakukuha namin." starsstarsIsa pang nagpasaya sa dalawa sa kanilang latest chat experience ay ang dumami nilang chatters from abroad! Aljur says, "siyempre nakakatuwa po na nag-expand, na hindi lang dito sa Pilipinas, pero pati sa ibang bansa [ang chatters]." Dagdag pa nga ng binata, "Parang nakaka-excite na makarating doon, at makita sila, at maramdaman 'yung suporta na ibinibigay nila sa amin." And wouldn't you just love to see them in the country where you are? Pag-usapan sina Aljur at Kris sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! If you want to read through the questions they answered last February 2, here are the links to get to the transcripts: Aljur Abrenica's Transcript Kris Bernal's Transcript To subscribe naman sa Fanatxt service nila, just text ALJUR ON or KRISB ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) And don't forget, The Last Prince airs weeknights sa GMA Telebabad pagkatapos ng Darna.