What's Hot

Aljur at Kris, minahal ng buong bansa

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 31, 2020 7:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Akbayan Party-list forum on joint oil exploration with China (Apr. 9, 2026) | GMA News
Man who stole Rottweiler caught on cam, arrested
Mga mangingisda sa Cardona na apektado ng mahal na gasolina, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Throughout its run, minahal ng bayan ang 'Dapat ka bang Mahalin.' Paano ba magtatapos ang kuwento, at ano ba ang naramdaman nila sa success na natamasa ng show?
Sa huling linggo ng high-rating Dramarama sa Hapon series, ang 'Dapat Ka Bang Mahalin,' mukhang nasagot na nina Aljur Abrenica at Kris Bernal mahiwagang tanong kung saan umikot ang kanilang kuwento. Makakayanan ba nila maging magkasama miski na may mga ibang mga nilalang na gusto silang paghiwalayin? Text by Erick Mataverde. Photos by Jason John S. Lim. Totoo daw na sa huli, ang pag-ibig ang mangingibabaw. At sa Dapat Ka Bang Mahalin, nasaksihan na natin ang pagbabalik-loob nina Lito at Myrna. Ngunit mukhang hindi ito matutupad—not if Glacilda (Ara Mina) and Kiko (Paulo Avelino), can help it. Makakaligtas kaya ang characters nila Aljur Abrenica at Kris Bernal sa mga pumipigil ng kanilang pagmamahalan? Katapusan ng umpisa starsAlam naman natin na ang highest-rating drama series na ito has broken all afternoon ratings records and has made the Kapuso Network cement its place in the ratings game for the said time slot. At hindi nanaman mapagkakaila ng mga young stars na ito na may kaba sila nung umpisa. "Sobrang excited kami, at kinakabahan," sabi ni Kris noon. Para sa kanya, doble pressure ang pag-remake ng soap na ito, especially sa kanilang dalawa ni Aljur. "Dahil itong movie na 'to, naging best actress pa po dito si Sharon Cuneta, [at] isa pa ito sa mga naging paborito niya." "Ito ang first time namin ni Kris na nag-lead sa isang drama. And to think ang gumanap originally si Gabby Concepcion and Ms. Sharon Cuneta, so napaka-challenging at napaka-mature ng mga roles namin dito. Pinaghihirapan namin ni Kris ito," banggit naman ni Aljur. Dagdag pa niya, "Isa pang nakaka-pressure, kasi si Gabby Concepcion 'yung original, 'di ba? Sinabi nila, palakihin ko pa daw 'yung katawan ko, tulad nung kay Gabby." And hindi rin matatawaran, dagdag ni Aljur, na "napakagaling na artista ni Gabby Concepcion." That was then, and how does our newly crowned "Royal Couple" feel sa kanilang newfound success? Raving over ratings "Ang taas namin!" ang napaka-sayang comment ni Kris nang magkaroon ng pagkakataon na malaman ang rating ng Dapat Ka Bang Mahalin. "'Pag nakakakuha kami ng ganyang feedback [at] saka matataas na ratings, mas ginaganahan kaming magtrabaho, mas pinagbubutihan pa namin." "Nagulat kami at sobrang pasalamat kay Lord," ang reaction naman ni Aljur. "Actually, I'm so happy that we got high ratings," dagdag na kuwento ni Kris. "Kaya every time na nalalaman ko 'yung ratings, na mataas kami, I'm more inspired to do my work, na mas pagbutihan ko pa. Tuwing nakikita ko rating namin maganda, [ang ibig sabihin] madami talagang nanonood—marami talagang sumusubaybay." starsAt ngayon, ang pinaka-hihintay na move nila to prime time television ay malapit-lapit na. Would this mean na mas madalas na natin makikita ang tambalang Aljur-Kris from now on? "Oo naman. Kasi simula pa lang ng career namin ni Kris, nakilala kami as [a] love team na. Kami na 'yung magkasama sa hirap at ginhawa, sa mga tapings, lahat, hanggang sa matuto kami," sagot ni Aljur. Kaya huwag palampasin ang umaatikabong drama sa Dapat Ka Bang Mahalin? sa huling linggo nito only sa Dramarama sa Hapon! Maging updated sa mga eksena ng Dapat Ka Bang Mahalin straight from Kris and Aljur! Text KRIS [Your Message] or ALJUR [Your Message] Send to 4627 for Globe, TM, Sun, Smart and Talk 'N Text. GOMMS (Wallpaper) Text GOMMS KRISB or GOMMS ALJUR to 4627, for all telcos. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines. Pag-usapan ang move to prime time ni Aljur at Kris sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!