What's Hot

Aljur defends co-star, "bida po kaming dalawa ni Kris."

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 3, 2020 10:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Authorities, protesters face off in Manila Labor Day demonstration
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News



Clarifying the issues, Aljur explains that he and Kris Bernal are the main stars of GMA's newest Telebabad show, 'The Last Prince.'
Aljur Abrenica may be the Last Prince, ang title role sa pinakabago na fantasy series ng GMA-7, but he wants to clarify one thing: hindi lang siya ang bida sa soap na ito. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. starsMalaki ang pasasalamat ni Aljur Abrenica sa pagtitiwala ng GMA-7 sa kanya to carry the title role sa telefantasya nitong The Last Prince, but he wants to clarify one thing: "Dalawa po kami dito." Aljur is, of course, referring to his love team partner Kris Bernal. Naglabasan kasi ang issue during the press conference na si Aljur lang ang bida sa show, and Kris is nothing more than his support. Aljur explains, "nataon lang po talaga na sa istorya na ginagawa ng writers, ‘yun 'yung pinakamagandang title. ‘Yun lang po kasi 'yung istorya. "Pero 'yung bida po talaga, kaming dalawa ni Kris." Isang mahiwagang love story ang The Last Prince, borrowing elements of multiple fairy tales to make one grand story about the power of true love. And in this story, Aljur plays the role of Almiro, ang huling prinsipe, at tagapagmana ng trono, ng kaharian ng Paladino. Isang mayabang at pilyong binata, Almiro becomes the subject of desire ng isang sorceress, isang itim na diwani, si Bawana (Bianca King). Pero dahil sa pangit na itsura ni Bawana, kamumuhian lamang siya ni Almiro. Ito ang magiging basehan ng sumpa ni Bawana kay Almiro, isang sumpa na magpapapangit sa hambog na prinsipe. At ang tanging makatatalo sa sumpa na ito ay ang tunay na pagmamahal ng isang babae—sa pangit niyang anyo. At ang babae na iyon ay ang character ni Kris Bernal na si Lara. The dashing prince To make Aljur look the part of a prince, GMA-7 hired the services of top-notch fashion designers Jerome Ang (an international fashion design competitor) and Aries Lagat (winner of Project Runway Philippines, season 1). Aljur says of his costume, "[it's] very dashing." He describes his costume as something na talagang prinsipe ang dating niya. Pero he also jokes na may kabigatan ang kalasag na suot niya. That said, "napakaganda ng pagkakagawa [at] napakakumportable" rin daw nito, kaya walang maireklamo ang binata when it comes to his costume. Pero, paano when the time comes na kailangan niyang tanggalin ang pang-itaas nito? Naiilang ba si Aljur? "Hindi naman," Aljur replies. "Talagang pinaghahandaan ko rin kung sakaling sabihin na tanggalin 'yung top." In fact, may strict diet na sinusundan ang binata para ma-maintain ang kanyang matipunong pangangatawan ngayon. The ugly prince starsMatapos ng sumpa ni Bawana, mawawala ang pagiging guwapo ni Almiro, ng character ni Aljur. And to make this happen, Aljur explains that he has to undergo a 2 or 3-hour process of putting on his prosthetics. "Ganoon katagal 'yung ginagawa sa mukha." Para sa ikakaganda ng kanilang palabas, Aljur is happy to put on the mask of an ugly prince. Pero, hindi rin maitago ng binata na naiinip rin siya when they're putting the prosthetics on him. "Minsan whole day ko siyang sinusuot, minsan kalalagay lang tatanggalin na sa susunod na eksena. Mahirap din." Lalo pa't, according to Aljur, the process of taking the prosthetics off also takes 2 hours. Hindi rin naman magtatagal ang prosthetics ni Aljur. "Mawawala po siya kapag may umibig sa akin na ganoon ang itsura ko," he says in explanation of how to break Bawana's curse. And we could've just imagined it, pero parang excited na si Aljur na mangyari ang may umibig ng totoo kay Almiro. And ngayong nagkita na ang mga characters nila ni Kris, mukhang hindi na malayo na matapos ang sumpang ipinataw sa kanya ni Bawana. Sa pagtatapos, Aljur wants to thank the people who have supported him and Kris since their StarStruck days and after. "Sa mga supporters po namin, mga Kapuso, napakagandang blessing po ang natanggap namin ni Kris. Kami po ang nag-opening salvo for 2010. Wala po akong masabi kundi salamat sa inyo." He also adds, "thank you, thank you talaga—kay Lord at sa GMA-7." Nagsimula na ang kuwento ng The Last Prince! Catch the enchanting love story weeknights sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Darna. Laging maging updated sa mga ginagawa ni Aljur! Just text ALJUR (space) ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) Pag-usapan ang The Last Prince at si Aljur sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! At abangan ang pagbabalik nina Aljur at Kris sa iGMA Live Chat on February 2!