
Muli ninyong makakasama ang pinakasikat at talented stars ng Kapuso Network, dahil idadaos ulit ang highly-successful na live online get-together at fundraiser kasama ang cast ng All-Out Sundays! '
All-Out Sundays' wagi sa ratings
Magaganap ang "no-contact online show" ngayong Linggo, April 5, 12:00 ng tanghali live sa official Facebook page ng GMA Network.
May live streaming din na magaganap sa GMA Twitter at YouTube.
Kahit nasa gitna na tayo ng pandemya, patuloy na magbibigay ng complete entertainment at tulong ang mga iniidolo ninyong Kapuso stars.
Kaya samahan niyo kami sa "no-contact" online show ng All-Out Sundays sa Linggo sa FB page ng GMA-7!