
Mag-celebrate ng Valentine's Day kasama ang digital channel na I Heart Movies.
Isa sa mga dapat abangan dito sa Araw ng mga Puso ay ang romance drama film na All of You na pinagbidahan nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado.
Gaganap sila dito bilang longtime couple na nagkakilala sa dating app.
Noong una, mukhang very compatible naman sila. Pero matapos ang tatlong taon, unti-unti nang nagkakalamat ang kanilang relasyon kahit na pinagsisikapan nila itong isalba.
Huwag palampasin ang All of You, February 14, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Para naman sa mga mahilig sa independent films, nariyan ang Isda mula sa direktor na si Adolf Alix Jr. at pinagbidahan ng mga batikang aktor na sina Cherry Pie Picache at Bembol Roco.
Base ito sa maikling kuwentong "Isda" ni Jerry Gracio na siya ring nagsilbing screenwriter ng pelikula.
Tungkol ito sa mag-asawang nangangalakal ng basura sa isang dumpsite at mabibiyayaan ng anak matapos ang maraming taon na paghahangad nito. Pero hindi bata ang mailuluwal sa kanila kundi isang isda.
Nakamit ng pelikulang ito ang award para sa Best Editing sa 7th Cinemalaya Independent Film Festival noong 2011. Hinirang din si Bembol Roco bilang Best Actor para sa kanyang pagganap sa pelikula.
Abangan ang Isda, February 12, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.