GMA Logo The Penthouse three
What's Hot

All-out final war sa 'The Penthouse 3,' magsisimula na mamaya!

By EJ Chua
Published February 7, 2022 10:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Use UN anti-corruption arm vs Zaldy Co, gov't urged
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

The Penthouse three


Tutukan mamayang gabi ang 'The Penthouse 3' sa GMA Telebabad.

Magsisimula nang mapanood sa Philippine television ang ikatlong season ng hit Korean drama series na The Penthouse.

Umikot ang unang dalawang season nito sa buhay ng mararangyang indibidwal at mga pamilya na nakatira sa isang palasyo na tinatawag nilang Hera Palace.

Napuno man ng paghihirap, pagdurusa, kaguluhan at labanan para sa kapangyarihan, reputasyon at kayamanan ang mga naninirahan sa Hera Palace, ipapakita pa rin nila ang kanilang katapangan at katatagan para magpatuloy lang sa kani-kanilang buhay.

Kahit ilang beses na sinubok ng panahon at mga matitinding hamon sa buhay, hindi mapipigilan ang bawat isa sa kanila na muling bumangon at harapin ang mas matitindi pang pangyayari.

Sa pagpapalabas ng The Penthouse 3 mamayang gabi, siguradong manghahawa na naman ito ng kilig, paninindigan at pag-asa sa mga manonood.

Sinu-sino kaya ang magbabalik?

Anu-ano ang magiging ambag at maidudulot nila sa buhay ng isa't isa?

Huwag palampasin ang all-out final war sa The Penthouse 3, mapapanood na mamayang 9:35 p.m sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang 'The Penthouse' actress na si Kim So Yeon sa gallery na ito: