GMA Logo Kevin Traqueña, Allan K
What's on TV

Allan K, inalok ang 'Bawal Judgemental' choice na magtrabaho sa Klownz

By Jimboy Napoles
Published January 28, 2023 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI calls for probe on Cabral’s death
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Kevin Traqueña, Allan K


Agad na napansin ni Allan K ang talent ng isang singer sa “Bawal Judgmental”.

Natuwa ang dabarkads na si Allan K sa isang “Bawal Judgmental” choice dahil sa husay nitong umawit kung kaya't inalok niya itong magtrabaho sa kanyang comedy bar na Klownz.

Sa episode ng naturang segment ng Eat Bulaga kamakailan, naging topic ang mga singer na nag-trending online na may mahigit 2 million views, isa na rito si Kevin Traqueña mula sa Muntinlupa City. ,

Si Kevin, nag-viral online dahil sa kanyang video na inaawit ang kanta ni Regine Velasquez na “Till I Met You” upang i-promote ang isang videoke set sa isang mall.

Ang naturang video ni Kevin, umabot na ng 2.2 million views sa YouTube.

Nang mag-sample si Kevin ng kanyang talent, bumilib naman si Allan at tinanong kung nagtatrabaho pa ito sa nasabing mall kung saan siya nag-viral.

“Nagtatrabaho ka pa doon?,” tanong ni Allan.

“Hindi na po,” sagot naman ni Kevin.

Agad naman na inalok ni Allan si Kevin na magtrabaho na lang sa kanyang bar. Aniya, “Mag-Klownz ka na lang. Mga ganyan ang hinahanap namin fresh, talented.”

Naikuwento rin ni Kevin na suma-sideline na rin siya ngayon sa mga gigs bilang isang singer.

“Mag-Klownz ka na lang,” ani ulit ni Allan.

Mabilis naman ang sagot ni Kevin, “Opo, sige po.”

Matapos ito, nag-duet pa sina Allan at Kevin ng awiting “The Prayer.”

Panoorin ang buong episode na ito sa video sa ibaba:


Tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

Bisitahin din ang GMANetwork.com at ang social media accounts ng Eat Bulaga para sa iba pang updates.

BALIKAN ANG NAGING PAGBANGON NI ALLAN K AT NG KANYANG MGA NEGOSYO MATAPOS ANG PANDEMYA SA GALLERY NA ITO: