
Ilang pasabog ang bibitawan ni Allan K sa kanyang pagbisita sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, March 7.
Bilang special guest ng fun-tastic duo, ibabahagi ni Allan K ang kanyang life story sa 'May Pa-PressCon' segment ng TBATS.
Ikukuwento ng Eat Bulaga dabarkads at binansagang Pambansang Ilong ang kanyang humble beginnings sa showbiz at kung paano nagsimula ang kanyang live entertainment at stand-up comedy business. Sa unang pagkakataon ay magsasalita rin si Allan K tungkol sa mga lalaki mula showbiz at sports na naging “special” sa buhay niya.
Susubukan naman ng The Mema Squad na kinabibilangan nina Pepita Curtis, Ian Red, Skelly Clarkson at Krissy Achino na kunin ang kiliti ni Allan K sa kanilang pag-audition sa sing-along master.
Ang Eat Bulaga dabarkad din ang makakasama nina Boobay, Tekla at The Mema Squad sa paglalaro ng 'Don't English Me' na kanya raw paboritong segment ng TBATS.
Tuloy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, March 7, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!
Samantala, silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: