What's Hot

Allan K, minsan lang umiyak sa kabila ng sunud-sunod na dagok noong 2020

By Marah Ruiz
Published March 8, 2021 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House representatives file resolution to investigate death of former DPWH Usec. Cabral (Dec. 22) | GMA Integrated News
Drunk man drowns at Digos beach
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Allan K


"Ano ba 'tong taon na ito, parang isinumpa," paglalarawan ni Allan K sa taong 2020 kung kailan sunud-sunod ang dagok na dumating sa kanyang buhay.

Ang komedyanteng si Allan K ang nakigulo kina Boobay at Tekla sa March 7 episode ng The Boobay and Tekla Show.

Allan K on TBATS

Pero bago ang tawanan, naging seryoso muna ang usapan dahil ibinahagi ni Allan ang mga naging karanasan niya noong nakaraang taon, 2020.

Isa sa mga napag-usapan ay ang pagsasara ng dalawa niyang comedy bars, ang Klownz at Zirkoh.

Inamin niyang inabot ng buwan bago niya napagdesisyunang isara na ang mga ito.

"Siguro mga apat na buwan pa bago ako mag-decide, apat or lima, bago ako mag-decide na isara na siya. Hoping talaga 'ko na umigi-igi nang kaunti 'yung sitwasyon, ang panahon at magbubukas uli tayo kahit pakonti-konti muna tao. But then hindi talaga pumuwede," lahad niya.

Hindi raw naging madali ang desisyon dahil nakagisnan na niya ang pagtatrabaho rito nang halos dalawang dekada.

"Ang laki ng upa natin. Umuupa ka nang umuupa nang wala namang tumatakbong negosyo. Ang sakit-sakit sa dibdib ko na 'sinara ko siya kasi naging buhay ko na rin 'yun for 18 years eh. Gabi-gabi rin akong nandoon, que may show ako, que wala," aniya.

Sa katunayan, hindi rin daw niya nagawang harapin ang mga taong nagtatrabaho sa kanya.

"Actually, hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na humarap sa kanila eh, sa mga comedians 'tsaka sa mga tauhan kasi ayokong makita nila 'kong [umiiyak].

"For the past 18 years, nakita nila 'kong ang strong strong ko, tapos makikita nila 'kong umiiyak. Ayoko ng ganoon kasi alam ko namang darating at darating ang panahon na magbubukas uli tayo, Klownz or Zirkoh," pag-amin ni Allan.

Umaasa rin daw siya na muling makakabalik ang kanyang mga negosyo.

"Matapos lang 'tong pandemic na ito, magbubukas uli tayo kasi 'yun na talaga 'yung pinaka gusto kong negosyo eh. More than anything, siya talaga. Siya ang buhay ko," bahagi niya.

Bukod sa pagsasara ng kanyang minamahal na comedy bars, marami pang personal na trahedyang hinarap si Allan noong 2020.

"Nag-pandemya ng March. Nagsara tayo, Klownz at Zirkoh. Namatay 'yung brother ko noong May. Nasundan ng kapatid kong isa pa noong July. Tapos noong August, na-COVID ako. Ano ba 'tong taon na ito, parang isinumpa," sambit niya.

Gayunpaman, nananatili raw matatag si Allan at miminsan lang daw umiyak o nagpakita ng emosyon.

"Siguro kung mahina-hina ako, baka tinamaan na rin ako ng depression. Buti na lang, nasanay na talaga akong mag-isa. Simula't sapul, strong akong tao. Never akong tinamaan ng depression," paliwanag niya.

"Kung hindi pa nga ako nag-guest sa 'Eat Bulaga, sa 'Bawal Judgemental,' hindi ako nakaiyak eh. Totoo, sa lahat ng nangyari sa akin, wala akong iniyakan doon. Doon ko lang nabuhos lahat," dagdag pa niya.

Matatandaang naikuwento ni Allan ang kanyang COVID-19 experience kung saan tatlong araw siyang namalagi sa intensive care unit (ICU), pati na ang ilang pa niyang pinagdaanan, sa always trending segment ng Bawal Judgmental ng Eat Bulaga.

"Gusto niyo, dito iyak din ako? Ay hindi ba? Comedy nga pala 'to," biro pa ni Allan kina Boobay at Tekla.

Panoorin ang buong panayam ni Allan K sa The Boobay and Tekla Show sa video sa itaas. Mapapanood n'yo rin ito DITO.