
'Tila hindi pa nababawi ng Eat Bulaga mainstay na si Allan K ang kanyang Instagram account matapos nito ianunsyo sa Twitter noong March 8 na na-hack ito.
Sunod-sunod ang Tweet ng Dabarkad host para ipaalam sa mga tao ang nangyari at humingi siya ng tulong para mabawi ito.
“Sakloloooo!!!!! Nahack ang instagram ko.”
Sakloloooo!!!!! Nahack ang instagram ko
-- allan k (@allanklownz) March 8, 2021
“Nakakaloka!! Mga giyera ang pinopost ng hacker ng instagram account ko.”
Mukhang wala pa rin sa control ni Allan ang kanyang Instagram account base sa video na i-pinost kahapon, March 16.
Napakomento tuloy ang veteran entertainment columnist at Startalk host na si Lolit Solis nang malaman ang nangyari sa social media account ni Allan K.
Hiling nito na nawa'y mabawi agad ng Eat Bulaga host ang kanyang Instagram na nagdulot daw ng stress sa magaling na comedian.
“Hindi ko maintindihan Salve bakit pati IG hina hack? Nabasa ko na na hack iyon IG ni Allan K kaya shock ako, pati IG ninanakaw ? Ano iyon ? Saan gagamitin ? At paano nagagawa ?
“Ganuon ba kadali magnakaw ng technology ? At ganuon ba katindi ang IG para nakawin ? Kaloka ha, dahil ano pang joy ang puwede mong makuha sa IG ng ibang tao. Iyon pa naman ang parang notebook ni Allan K ang kanyang IG na lagi niyang ipinapakita sa lahat , hah hah.
“Pero sana maayos na dahil na tense si Allan K sa pagkawala ng IG niya, ibalik nyo na noh.”
Kilalanin ang iba pang celebrities na naging biktima ng hacking sa mga nagdaang taon sa gallery na ito.