
Dalawang bagong Kapuso housemate ang magdadagdag ng kulay at excitement sa Pinoy Big Brother Collab 3.0.
Sa episode ng sikat na reality TV show kahapon, November 15, ipinakilala ang Code Grey star na si Allen Ansay bilang Bro-Binsyanong Dreamer ng Camarines Sur. Official housemate na rin si Ronnie Pasamba, na binansagang Varsity Cutie ng Bulacan.
Sa panayam nina Gabbi Garcia at Bianca Gonzalez-Intal kay Allen bago pumasok sa Big Brother house, sinabi niya na dala-dala niya ang pagiging 'jolly' niya sa kaniyang PBB journey.
Graduate si Allen ng reality-based artista search competition StarStruck noong 2019, kung saan itinanghal siya bilang First Prince.
Para naman kay Ronnie, gusto raw niyang raw ipakita ang kakulitan niya sa Bahay ni Kuya.
“Dadalhin ko po yung energy ko [and] 'yung pagiging makulit ko," aniya.
itsmeallenansay (IG) and ronniepasamba_ (IG)
Samantala, noong November 14, unang na-evict sa PBB Collab 3.0 ang Kapuso housemate na si Ethan Benares at sa Team Kapamilya naman ay si Calix Esguerra.
Related gallery: PBB Collab 3.0 housemates' moments before entering Bahay Ni Kuya