GMA Logo Allen Ansay at Sofia Pablo
What's on TV

Allen Ansay at Sofia Pablo, kumasa sa Pasig river clean-up mission

By Maine Aquino
Published July 28, 2023 11:43 AM PHT
Updated July 28, 2023 1:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay at Sofia Pablo


Pagkatapos sumama sa clean-up drive ng Pasig river ay may pakiusap si Sofia Pablo. Ano kaya ito?

Isang amazing na misyon ang tinanggap nina Allen Ansay at Sofia Pablo at ito ay ang tulungan ang kalikasan.

Sa Amazing Earth, binigyan ng clean-up mission sina Allen at Sofia sa Pasig River. Nakasama sa "Pasig River Clean-Up" project nina Allen at Sofia ang mga kabataan ng Brgy. Pineda, Pasig.


Ibinahagi rin ng Sparkle loveteam ang kanilang naging experience sa misyon na ito.

Kuwento ni Allen, "Kuya Dong, so far ang dami na po naming napulot na basura. And kita pa rin, ang dami pa ring natitira na mga basura."

Saad ni Sofia na pangalagaan ang ating kalikasan sa tamang pagtatapon ng basura.

"Pakiusap sa mga hindi nagtatapon ng basura sa tamang lugar. Itigil na ninyo ang bad habit na 'yan kasi kawawa naman 'yung ilog."

Panoorin ang kanilang naging amazing challenge dito:


Tutukan ang ilan pang mga exciting na kuwento sa 5th anniversary ng Amazing Earth sa July 28, 9:35 pm sa GMA Network.

Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.

SAMANTALA, BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: