GMA Logo Allen Ansay and Sofia Pablo
Photo by: sofiapablo and itsmeallenansay TikTok
What's Hot

Allen Ansay at Sofia Pablo, may entry sa viral 'Ale' trend

By Kristine Kang
Published February 3, 2026 7:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Muffler rule in Davao City questioned; LTO, LGU defend policy
Singapore Airshow kicks off amid supply chain strains, regional demand surge
Marian Rivera's teacup is from a French fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay and Sofia Pablo


Team Jolly, together again!

Tila masaya ang February month para sa Huwag Kang Titingin stars Allen Ansay at Sofia Pablo, ngayong magkasama na silang muli sa outside world.

Bukod sa kanilang sweet reunion, makikitang masaya ang dalawa sa ilang social media posts, tulad na lang ang pagsali nila sa ilang challenges at viral trends online.

Sa isang TikTok post ni Allen, masayang kumasa ang Team Jolly sa nakakakilig na “Ale” trend. Madami ang natuwa nang nagpakita si Sofia sa video bilang ang “babaeng saksakan ng ganda” ng aktor.

Agad itong pinusuan ng fans at umani ng mahigit 600,000 views at 95,000 heart reactions.

@itsmeallenansay Hi Aki @Sofia Pablo ♬ original sound - julianakriege

Samantala, doble naman ang kilig ng fans sa bagong cute post ni Sofia kung saan makikitang nag-e-enjoy ang dalawang Kapuso stars sumayaw sa kantang “Eenie Meenie” nina Sean Kingston at Justin Bieber.

"MASAYA NAKO SA VALENTINE'S YEY," ani Sofia sa captions.

@sofiapablo

MASAYA NAKO SA VALENTINE'S YEY

♬ original sound - justinbieberdaily

Kamakailan lamang ay nagtapos ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 stint ni Sofia matapos ma-evict kasama ang Kapamilya housemate na si Eliza Borromeo.

Lalong kinilig ang fans nang salubungin siya ni Allen at binigyan ito ng bulaklak.

Mapapanood din ang Team Jolly sa upcoming horror film ng GMA Pictures at Mentorque Inc. na Huwag Kang Titingin. Kasama rin sa cast sina Marco Masa, Sean Lucas, Michael Sager, Charlie Fleming, Josh Ford, Kira Balinger, Shuvee Etrata, Anthony Constantino, at marami pang iba.

Samantala, silipin ang sweet photos nina Allen Ansay at Sofia Pablo sa gallery na ito: