
Magbabalik ang isa sa mga popular na Kapuso love team sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (July 30).
Ibabahagi nina Sparkle stars Allen Ansay at Sofia Pablo, o ang AlFia, ang limang signs na gusto ka ng isang tao sa “TBATS Top 5.”
Sasabak din sina Allen at Sofia sa bagong segment na “Bawal Tumawa Newscast,” kung saan gaganap bilang newscasters ang guest stars at ang TBATS hosts na sina Boobay at Tekla. Sa segment na ito, kailangan nilang basahin ang nakakatawang script nang hindi natatawa dahil kung hindi ay may score deduction ito.
Haharap naman sa isang punishment ang mayroong pinakamababang score.
Bukod dito, sasalang din ang Sparkle love team sa “Phone Raid,” kung saan ibibigay nila ang kanilang cellphones sa comedy duo, na magbabasa ng random messages.
Ano-ano kaya ang mga malalaman nina Boobay at Tekla?
Maghaharap naman sina Allen at Sofia kina Boobay at Tekla sa guessing game na “Talas-Salitaan,” kung saan ang isang team member ay huhulaan ang mga salita habang ang kanyang teammate ay magbibigay ng clue.
Abangan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (July 30), 10:40 p.m., sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA ALLEN ANSAY AT SOFIA PABLO SA GALLERY NA ITO.