
Handa nang makisaya at magbahagi ng pagmamahal ang Kapuso actor na si Allen Ansay ngayong Pasko.
Sa 24 Oras report nitong Martes, December 23, ibinahagi ni Allen ang kaniyang plano sa nalalapit na holiday at sinabing uuwi ito sa probinsiya niya sa Camarines Sur.
Uuwi rin aniya ang kaniyang ama sa probinsiya ngayong Pasko.
“Sa province naman talaga [magse-celebrate ng Pasko],” ani Allen.
Kuwento pa nito, handa na raw siya sa videoke session na tradisyon na ng kaniyang pamilya tuwing Pasko.
Ani ng aktor, “'Yung pagvi-videoke talaga [ang ginagawa namin].”
“'Yung boses ko kasi pambarangay lang, e,” biro pa nito.
RELATED GALLERY: KAPUSO CELEBRITIES SHARE CHRISTMAS PLANS