What's on TV

Allen Ansay, emosyonal dahil natupad ang kanyang pangarap sa 'Raya Sirena'

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 18, 2021 10:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay


Alamin kung bakit hindi napigilan ni Allen na maging emosyonal nang pag-usapan ang 'Raya Sirena' DITO:

Naging emosyonal ang aktor na si Allen Ansay dahil unti-unti nang natutupad ang kanyang mga pangarap na bumida sa isang teleserye.

Masayang masaya kasi si Allen na bibida siya sa Regal Studio Presents: Raya Sirena kasama sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

"'Ngayon talaga Tito Lhar, pag iniisip ko 'yun naiiyak pa rin po talaga ako," pag-amin ni Allen kay Lhar Santiago sa 24 Oras.

"Kasi hindi naman po talaga kaming mayaman ng pamilya ko. Sina Mama talaga, sobrang sikap po nila magtrabaho.

"Masaya po talaga ako kasi 'pag ginagawa ko po 'to, ang sarap-sarap po sa pakiramdam.

"Masayang masaya po ako na ginagawa ko 'to."

A post shared by Allen Ansay (@itsmeallenansay)

Gagampanan ni Sofia si Raya, isang spoiled brat na magiging sirena dahil sa isang sumpa.

Kuwento ni Sofia, "Istoryo po ito ng isang spoiled brat na may sama ng loob sa kanyang daddy kasi feeling niya walang atensyon sa kanya."

"So dahil pagmamaldita niya, na-curse siya na maging mermaid."

A post shared by Sofia Pablo (@sofiapablo)

Huwag palampasin ang pangalawang bahagi ng special primetime premiere ng Regal Studio Presents na "Raya Sirena," ngayong Sabado, September 18, 8:30 p.m. sa GMA.