GMA Logo Allen Ansay birthday in TiktoClock
What's on TV

Allen Ansay, emosyonal sa birthday celebration sa 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published November 21, 2025 6:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay birthday in TiktoClock


Balikan ang birthday celebration ni Allen Ansay sa 'TiktoClock!'

Isang masayang pa-birthday ang inihanda ng TiktoClock para kay Allen Ansay ngayong November 21.

Ngayong Biyernes, napanood ang birthday number ni Allen Ansay kasama si Zeus Collins.

Parte pa ng episode na ito ay ang pagbabahagi ni Allen ang kaniyang wish sa TiktoClock. Saad ni Allen, "Ang wish ko ay tumagal pa ako dito sa TiktoClock! Marami pa akong jokes para sa inyo."

Dugtong pa ni Allen ang pasasalamat sa mga hosts at sa lahat ng mga bumubuo ng morning variety show na TiktoClock.

"Maraming salamat sa pagtanggap ninyo sa akin. Sobrang napamahal na ako sa inyo sa maikling panahon na ito."

May sorpresang birthday message naman ang mga kaibigan ni Allen na sina Raheel Bhyria at Sean Lucas. Emosyonal naman si Allen pagkatapos niyang makita na may mensahe rin ang kapatid niyang si Marian Ansay.

Balikan ang masayang birthday episode ni Allen Ansay sa TiktoClock:


Samantala, balikan ang transformation ni Allen Ansay from cutie to hottie: