GMA Logo Sofia Pablo, Allen Ansay
Source: sofiapablo (Instagram)
Celebrity Life

Allen Ansay goes on a birthday dinner date with Sofia Pablo

By Jimboy Napoles
Published November 24, 2022 1:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Allen Ansay


Allen Ansay kay Sofia Pablo: "Salamat Aki, ang saya lagi 'pag kasama ka."

Masayang ipinagdiwang ng Kapuso young heartthrob na si Allen Ansay ang kanyang 19th birthday kahapon, Miyerkules, November 23, sa isang sweet dinner date kasama ang kanyang onscreen partner na si Sofia Pablo.

Nangyari ito sa isang sikat na restaurant sa Quezon City na may view ng cityscape.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sofia ang isang video highlight ang kanilang bonding moments ni Allen sa nasabing birthday celebration.

Isang post na ibinahagi ni Sofia Pablo (@sofiapablo)

"He's 19 <3 birthday dinner <3," caption ni Sofia sa kanyang post.

Sa comments section ng nasabing post, agad naman na nagpasalamat si Allen kay Sofia.

"Salamat aki ang saya lagi 'pag kasama ka," ani Allen.

Sa naturang video makikitang nasorpresa rin si Allen sa ibinigay na regalo ni Sofia, isang NBA 2K23 PS video game, painting, at cute birthday cake.

Bago ang kanilang birthday dinner date, nag-post na rin si Sofia sa kanyang Instagram ng isang video kung saan very sweet na ipinag-drive ni Allen si Sofia sa isang sports car.

"You're proof that perfect guys still exist. Happy birthday happy pill since 2019," sulat ni Sofia kay Allen.

Samantala, naghahanda na rin ngayon ang dalawa sa kanilang upcoming kilig series na Luv is: Caught In His Arms.

Ang nasabing series ay ang TV series adaptation ng hit Wattpad novel ng Filipino author na si Ventrecanard na "Caught in his Arms" na bibigyang buhay nina Sofia at Allen kasama ang Sparkada heartthrobs na sina Vince Maristela, Michael Sager, Raheel Bhyria, at Sean Lucas.

Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.

SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG 'LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS' LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: