What's on TV

Allen Ansay, ibinahagi ang hindi niya gagawin pagkatapos ng 'StarStruck'

By Maine Aquino
Published September 12, 2019 5:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OCD urges extra precautions in Albay amid storm Ada and Mayon unrest
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay in StarStruck Final Judgment media conference


Bukod sa kanyang sagot na ito, nagbahagi rin si Allen ng kanyang halong kaba at excitement sa gaganapin na Final Judgment ng 'StarStruck' ngayong September 14 at 15.

"'Yung 'di ko naman po gagawin po ay 'yung lumipat."

Allen Ansay
Allen Ansay

Ito ay ang diretsong sagot ni Allen Ansay nang tanungin ng kanyang hindi tutularan sa mga graduates ng StarStruck. Ito ay kanyang sinagot sa members of the press nitong September 11 sa ginanap na StarStruck Final Judgment media conference.

IN PHOTOS: At 'StarStruck' Season 7 Final 4 media conference

Bukod sa kanyang sagot na ito, nagbahagi rin si Allen ng kanyang halong kaba at excitement sa gaganapin na Final Judgment ng StarStruck ngayong September 14 at 15.

Ani Allen, "Kinakabahan po ako tsaka nae-excite kasi parang nakaka-excite 'yung mangyayari. Kung ano ba talaga at sino ba talaga."

Makakalaban ni Allen si Kim De Leon para sa titulong Ultimate Male Survivor ng StarStruck season 7.

Inamin rin ni Allen na naging mahirap sa umpisa ang kanyang artista journey sa StarStruck dahil wala pa siyang experience sa pag-arte. Kuwento niya, "Noong simula po talaga nahirapan po ako. Pero lahat naman po ng ibinibigay po pinag-aaralan ko para magawa ko po nang maayos."

Abangan ang StarStruck season 7 Final Judgment ngayong Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl at Linggo pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.