GMA Logo Allen Ansay
What's on TV

Allen Ansay, masayang napapasabak sa heavy drama sa 'Prinsesa Ng City Jail'

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 27, 2025 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay


Talagang kaabang-abang ang pabigat nang pabigat na mga eksena ng 'Prinsesa Ng City Jail.'

Masaya ang aktor na si Allen Ansay na naipapakita niya ang galing niya sa pag-arte sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail bilang si Xavier.

Ayon kay Allen, ito ang una niyang teleserye na napasabak siya sa heavy drama.

"Siyempre nakakatuwa kasi talagang pabigat nang pabigat 'yung mga eksena, especially for me. Before kasi, 'yung mga ginawa ko before more on mga light lang, ito talaga napasabak talaga ako sa mga heavy scene, and kasama ko pa 'yung mga veteran actress," saad ni Allen sa panayam ng Unang Hirit.

Dagdag ni Sofia Pablo, ang gumaganap bilang Princess, "Totoo, ang intense na ng mga eksena ngayon. Actually, this morning, 'yung kukunan rin namin, gulo, e. Very intense."

Panoorin ang kanilang buong panayam sa Unang Hirit dito:

Panoorin sina Sofia at Allen sa Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.