
May pahayag at reaksyon si Allen Ansay sa kilig moments ni Sofia Pablo sa kapwa nila Sparkle star na si Miguel Tanfelix.
*Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Ayon kay Allen, inaasahan na niya na sobrang kikiligin talaga si Sofia kapag si Miguel Tanfelix ang pag-uusapan at kung makikita ito ng Kapuso housemate.
Mapapansin na alam talaga ni Allen na si Miguel ang celebrity crush ni Sofia.
Sabi niya sa GMA Network internal press, “Siyempre, in-expect ko na talaga 'yon.”
“Sabi ko na 'yon na kapag mag-guest talaga si Miguel [Tanfelix], automatic makikita ng mga Kapuso at fans ng Pinoy Big Brother kung paano kiligin si Sofie. Kitang-kita na nga kagabi,” pahabol niya.
Narito ang reaksyon ni Allen:
Sa ilang episode ng teleserye ng totoong buhay at bago pa pumasok sa Bahay Ni Kuya, ilang beses na inilahad ni Sofia na mayroon special place si Allen sa kanyang puso at buhay.
Samantala, patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.