GMA Logo Allen Ansay topless in Prinsesa Ng City Jail
What's on TV

Allen Ansay, naghanda nang todo para sa topless scenes sa 'Prinsesa Ng City Jail'

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 21, 2025 2:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay topless in Prinsesa Ng City Jail


Na-conscious kaya si Allen ngayong first time niyang magkaroon ng topless scenes?

Aminado ang aktor na si Allen Ansay na noong una ay nako-conscious siya tuwing kailangan niyang mag topless sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail.

Isang swimmer ang karakter ni Allen na si Xavier kaya naman may mga eksenang swimming trunks lang ang suot niya.

"Actually, oo, na-conscious ako nung una kasi ito ang first time ko na mag-topless sa serye, at ka-eksena ko pa dito si Sofia," mensahe ni Allen sa GMANetwork.com.

"Nung una, medyo weird 'yung sa pakiramdam kasi maraming nakatingin, tapos gumagawa kami ng eksena habang naka-topless ako. Pero nawala din naman agad."

Talagang pinaghandaan ni Allen Ansay ang Prinsesa Ng City Jail dahil naging istrikto siya sa kanyang diet para magkaroon ng magandang pangangatawan.

"Talagang nag-work out ako three to four times per week, at naging mahigpit ako sa diet ko. Mas maraming pagkain ng gulay at chicken breast, iwas ako sa matatamis at matataas sa fats," paliwanag ni Allen.

"At talagang mineme-make sure kong matulog ng at least seven to eight hours every night."

A post shared by Allen Ansay (@itsmeallenansay)

Patuloy na panoorin ang Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

RELATED CONTENT: 'Prinsesa Ng City Jail' stars Sofia Pablo, Allen Ansay serve looks in new photoshoot