GMA Logo Allen Ansay and Sofia Pablo
Photo: sofiapablo (Instagram)
What's on TV

Allen Ansay, nagpasalamat kay Sofia Pablo para sa pagmamahal at suporta

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 23, 2025 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay and Sofia Pablo


Lubos na nagpasalamat si Allen Ansay kay Sofia Pablo para sa suportang binigay nito sa kakatapos lamang na programa nilang 'Prinsesa Ng City Jail.'

Taos-pusong nagpasalamat si Allen Ansay kay Sofia Pablo para sa pagmamahal at suportang binigay nito sa kakatapos lang nilang programang Prinsesa Ng City Jail.

Sa Instagram, nagpasalamat si Allen sa mga bumubuo ng Prinsesa Ng City Jail kalakip ang mga larawang mula sa kanilang taping.

Sulat niya, "Maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay at nagmahal sa PNCJ. Hindi po namin ito magagawa kung wala ang inyong suporta at pagmamahal."

"Lubos po akong nagpapasalamat sa @gmanetwork at @sparklegmaartistcenter sa tiwalang ibinigay sa akin upang gampanan si Xavier Bustamante--isang karakter na naging malaking hamon sa akin at talagang marami akong nakuhang aral bilang isang aktor.

"Maraming salamat din kina Direk @jerrylopezsineneng at @rechie and coach @karladpambid sa inyong pag-aalaga at walang sawang paggabay sa akin sa bawat mga eksena.

"Sa lahat ng bumubuo ng PNCJ -- sa buong production team at sa lahat ng cast -- mahal ko kayong lahat."

Sa dulo, hindi nalimutan ni Allen na magpasalamat kay Sofia na naging kapareha niya sa Prinsesa Ng City Jail.

Pagtatapos niya, "At higit sa lahat, sa prinsesa ko @sofiapablo salamat sa walang sawang pagmamahal at tiwala. Isa ka sa pinakamalaking inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko."

A post shared by Allen Ansay (@itsmeallenansay)

Mapapanood ang full episodes ng Prinsesa Ng City Jail sa GMANetwork.com at GMA Network App.