
Umamin si Allen Ansay na totoong nagseselos siya kay Saviour Ramos sa set ng upcoming sea fantaseries ng GMA Network at Regal Entertainment na Raya Sirena.
Magkaribal kasi ang mga karakter nina Allen at Saviour sa Raya Sirena na pinagbibidahan ni Sofia Pablo. Si Allen ang gumaganap na Gavin, ang kaibigan ni Raya sa lupa samantalang si Saviour naman si Ape, ang magiging gabay ni Raya sa ilalim ng dagat.
"Si Saviour po kasi, magaling din siya magpaselos, e. Kunwari, behind-the-scene, magkakaibigan kami pero pag nasa eksena kami, nasa karakter talaga siya na, 'Akin si Raya, gusto ko siya!'" natutuwang kuwento ni Allen sa virtual media conference noong April 21.
"Parang, 'Tingnan mo naman ako, mas malaki ako sa'yo. Sirena ako, sirena si Raya,' parang ganun. Kaya kapag napanood po ito ng mga tao, 'Ah, totoo 'yung selos, hindi scripted.'"
Mapapanood sina Allen, Sofia, at Saviour sa Raya Sirena tuwing Linggo, 3:05 p.m., sa GMA Network.
Samantala, kilalanin ang makakasama nilang tatlo sa pinakabagong sea fantaseries ng GMA Network at Regal Entertainment dito: