GMA Logo allen ansay and sister marian ansay
Source: itsmeallenansay (IG)
What's Hot

Allen Ansay, proud sa kapatid at 'The Voice Kids' finalist na si Marian Ansay

By Jansen Ramos
Published December 11, 2025 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG monitors nearly 125k passengers in ports on Maundy Thursday
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong
Church clarifies Holy Week beliefs, urges focus on faith

Article Inside Page


Showbiz News

allen ansay and sister marian ansay


Full support ang Kapuso Heartthrob na si Allen Ansay sa kanyang nakababatang kapatid na si Marian Ansay, na isa sa apat na grand finalists ng 'The Voice Kids.'

Masayang-masaya ang Kapuso Heartthrob na si Allen Ansay sa kanyang nakababatang kapatid na si Marian Ansay matapos itong mapabilang sa grand finalists ng The Voice Kids.

Si Marian ang pambato ng team ni Coach Julie Anne San Jose na Julesquad.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Allen kung gaano siya ka-proud sa kanyang nine-year-old sister, kalakip ang isang video ng kanilang jam session.

Sulat ng Sparkle artist. "Proud ako sa 'yo, bunso! Grabe, dati sa videoke ka lang kumakanta at pinapangarap mo lang makapasok sa The Voice Kids. At ngayon… grand finalist ka na, bunso! Nakita ko kung gaano mo kamahal ang ginagawa mo, kaya alam kong deserve mo marating ang pangarap mo."

Inanyayahan din ni Allen ang kanyang followers na iboto ang kanyang kapatid sa live finale ng The Voice Kids sa darating na Linggo, December 14.

Patuloy niya, "Mga Kapuso! Please vote and support our “RIZZ SINGER NG BICOL,” Marian Ansay ng #JuleSquad @myjaps, sa finale ng #TheVoiceKidsGMA 2025, this Sunday, 7 PM on GMA!"

A post shared by Allen Ansay (@itsmeallenansay)



Ang makakalaban ni Marian sa grand finals ng The Voice Kids ay sina Yana Goopio ng Team Bilib, Giani Sarita ng BenKada, at Sofia Mallares ng Project Z.

Para makaboto sa finals ng The Voice Kids, kailangang mag-log in sa GMANetwork.com o GMA mobile app. Bawat Kapuso account ay maaaring bumoto hanggang 10 beses.

Kung ikaw ay wala pang account, mag-register dito.

Mapapanood ang huling episode ng The Voice Kids sa Linggo, December 14, 7:00 p.m. pagkatapos ng Bubble Gang sa GMA.

SAMANTALA, BALIKAN ANG WINNING MOMENTS NG REIGNING 'THE VOICE KIDS' WINNER NA SI NEVIN GARCENIEGO SA GALLERY NA ITO.